Fate brings you together... but it's still up to you to make it happen..

Home » Page 5

ouch!

Friday, September 28, 2007

this is my first post from my laptop. as in! may internet connection na kami. nakishare na kami sa existing subscriber dito sa may pantai, maganda ang connection, pero mas napapayag ako kasi guwapo.. hehe.. nun imeet nga namin siya nun isang araw nagulat ako. may guwapo palang malay! aba. bihira to.

going back to my topic, sabi ko na nga ba at madidisgrasya ako eh. sa office pa lang, ilang beses na ko muntik madulas. unang post ko from my laptop, tungkol pa sa isang malaking katangahan. duh!

bibili kasi kami ng webcam today. pababa na kami ng hagdanan ng lrt nang biglang… ooppsss.. nadulas ako! as in nadausdos pa ako. may ilang steps din yun. kung di nga naiwan yun kanang paa ko, baka tumuloy-tuloy ako sa baba. yun nga lang masakit ngayon ang kanang paa ko kasi nabend nga siya backwards. buti na lang konti ang tao. kundi isang malaking kahihiyan. sabi nga ng asawa ko, sayang daw at di niya nakunan ang kodak moment ko. hayup. pagkatapos ko siyang ibili ng mp4 player. hmp!

cge inaantok na talaga ako. sana nga ay manonood ako sa youtube pero sadyang di ko na kaya. hohum.. till next post! gudnyt!

Posted by jona at 23:42:00 | permalink | Add comment

on my own

Tuesday, September 25, 2007

aaminin ko. nahihirapan ako sa work ko. maraming kailangan malaman pero wala naman nagtuturo. malayo ang kailangang ibyahe pero di rin naman makalipat. hay life.. cuts like a knife.. how will i ever live.. i'm so deeply wounded.. hehe.. kumanta daw ba? tama ba yun kanta ko? hahaha!

well hapon na naman. konting oras na lang at uwian na. konting araw na lang at tapos na ang buwan. malapit na ang sweldo. pero hindi ako excited. kasi andami kong utang na babayaran. wah! eto na at sinisingil na ako ng pagiging pasaway ko. uwi kasi ng uwi sa pinas eh. ayan tuloy. ubos na ang naipon, may pabonus pang mga utang. argh!naisip ko, naka-1 year na ako dito pero andami ko pa din utang. makulit kasi ako. gusto kong umuwi ng umuwi. eto tuloy napala ko.

pero sabagay, madami naman talaga kaming utang bago kami nagpunta dito. hindi lang halata. hehe. though mahigit kalahati na sana ang natapos namin sa 1-year contract ko, eto at dumami na naman. di bale sana kung assured ako ng 1-year contract dito. ang problema eh every 6 months ang renew sa client. hindi kasi sinabi ng ulagang agent ko. had i known, kami na lang sana ng asawa ko ang bumalik dito. at least mas makakatipid, mas makakaipon. eh yun visa pa lang, 676 ang bawat isa. dahil 3 sila (pati na si daddy), RM2028 na lahat yun. wah! ang mahal. tapos yun haus, kami na lang ang magbabayad lahat. kung alam ko lang talaga na 6 months lang ang contract, di ko na sana isinama sina pauline at daddy. minus gastos sa visa nila. tapos lilipat na lang kami ng asawa ko kahit sa small room lang. eh di laking tipid.

pero syempre magsisi man, wala ng magagawa. di ko na pwedeng ibackout yun mga visa. hahanap na lang cguro ako ng boarder para medyo makabawas sa house rent. at higit sa lahat, pagbubutihin ko na lang ang trabaho ko. paano? di ko rin alam. kasi kahit magtanong ako sa TL ko, parang di rin nasasagot ang mga tanong ko. kailangan ko magwork on my own. i need to explore to learn. ngayon kung di ko talaga matutunan, gagalingan ko na lang magpanggap. hahaha! adik! kung ano-ano naiisip ko.

kasi ang hirap talaga. wala naman nagtuturo kung paano. bahala ka sa buhay mo. yun ibang error, nasosolve ko pa. pero pag tungkol sa cobol, phone-a-friend ako lagi. buti na lang, madaming pinoy dito. maraming mapagtatanungan.

teka, bakit ba naiisip ko agad na di ako marerenew. kaya ko to. ako pa! hehe.. malapit na nga ako makaisang buwan eh. =)

Posted by jona at 16:14:00 | permalink | Add comment

programmer ka ba?

Friday, September 21, 2007

friday na naman. yahoo! (pansin niyo ba, lagi akong tuwang-tuwa sa friday? hehe.. dont tell me, kayo hindi.. mga ipokrito!)

no big plans for the weekend. kakatamad lumakad ng walang salapi. antagal pa ng sweldo. argh! buti na lang may ps2 kami, pampalipas oras. saka ipapa-configure ko pa pala yun wi-fi ng laptop ko. kainis. di ako makapag-internet. di kasi ako marunong magconfigure eh.

naisip ko nga, ngayon lang pala ako nagkaroon ng computer. kasi kahit nun nag-aaral ako ng comsci, wala akong pc. buraot lang ako sa friends ko na may pc. syempre dahil matalino ang lola niyo, payag naman sila. basta ako ang gagawa ng kailangan nilang gawin. duh! namiss ko tuloy yun mga overnight namin sa bahay nina tintin sa bulacan. after class, diretso na kami sa cubao. mamimili ng lucky me pancit canton, argentina corned beef at kung ano-anong sitsirya. tapos sakay na ng jeep papunta sa haus nila. kaya lang madudugas ang mga yon. sa umpisa may kasama pa ako sa harap ng computer. pag lumalim na ang gabi, paktay.. unti-unti ng tumatakas ang mga lola. syempre dahil naghahabol ng honor ang lola niyo, no choice kundi tapusin ang dapat gawin. minsan nakahalata cguro sila, nagtake turns sa pagsama sa kin. yun nga lang, nakakaidlip sila, ako walang tulog! haha! nautakan ako ng mga yun ah.. hehe.. pero ok lng. mabait talaga akong kaibigan. =)

kaya wala akong alam sa troubleshooting ng pc. aminado akong tanga ako sa area na yan. ewan ko kung may iba pang programmer na ganun. kung wala na, aba! eh di kaisa-isa pala ako.. =p

Posted by jona at 17:43:00 | permalink | Add comment

kakapagod this week

Friday, September 14, 2007

argh!
hay buhay.. ano ba tong napasukan ko?
una, though hindi ganun kahirap magcobol, andami namang terms na hindi ko alam. yun tipong banggitin mo man sakin ng sampung ulit eh walang meaning.. walang 'recall'.. tapos bukod sa cobol terms eh may banking terms pa. mahirap talaga magshift. kaya lang this is the easiest shift i think i can make. alangan namang magjava ako. parang walang konek sa mainframe. suntok sa buwan naman yun. yun nga lang, tingin ko wrong move na dito ako sa ibang bansa nagshift. dapat ata umuwi muna ako sa pinas at dun nagtraining. i mean kahit isang taon lang. at least may matutunan ako. pero huli na. andito na ako. kasi naman naisip ko dati kung uuwi ako, mababa ang sweldo. eh eto, mataas na ang sweldo. yun nga lang, paktay ako ngayon.. haha!
hayaan mo na.. makakayanan ko din to.. hehe.. kaya lang mukhang ang magpapasuko sakin eh yung byahe. actually may 3 ways para pumasok ako. (1) bus to sentral -> bus to putrajaya -> bus to cyberjaya (RM8/day); (2) bus to sentral -> KLIA express -> bus to Cyberjaya (RM18/day); and (3) bus to sentral -> bus to Cyberjaya (RM2/day + RM213/month). Kung titignan, option 3 ang pinakamadali. eh ang prob, by the hour ang bus. ang alis sa KL sentral ay 745am, 845am, so on. Sa uwian, 615pm, 715pm, so on. Masyadong maaga. Tapos ang byahe would be 1hr 25mins ata. Tuloy-tuloy. Di ako makakatagal ng nakaupo ng ganung oras. Option 2 is next choice kasi ang byahe sa Express is 20mins lang whereas sa bus papuntang Cyberjaya is mga 40mins. every 30mins lang ang dating ng KLIA (same actually ng bus). yun nga lang sobrang mahal! ang monthly pass would be around RM225. eh pag dumating ka ng maaga sa oras, maghihintay ka din. so im left with option 1. mas mura to. kasi may monthly pass para sa lahat ng RapidKL bus na RM80 lang. ang laki ng matitipid ko. yun nga lang, 3 beses akong magtitiyaga at duduguin kakahintay ng mga bulagang bus. 2 gabi na nga ako nakakauwi ng 9pm eh. duh!
sa ngayon, no choice. tiyaga-tiyaga muna.. =(

Posted by jona at 17:45:00 | permalink | Add comment

1st week

Friday, September 7, 2007

salamat. friday na naman. nakatapos na naman ng 1 linggo. tungangers pa din. ala pang binibigay na work. kung ano-anong docs lang ang pinapabasa samin.

nga pala, ok dito sa eds. marami kaming pinoy. 10! so di na malulungkot ang lola niyo. ipakilala ko sila sa inyo. si john, kagrupo ko sa over-the-counter na project. galing siya sa accenture, cobol ang expertise. si lucky, gf ni john. dating developer sa accenture (cobol din) pero BA na dito ngayon. BA din sina charm at jen. si charm ay BA na PM as in puro miting.. hehe.. siya daw ang BA namin sa OTC at kinakabahan ako sa tuwing sinasabihan niya kami ng gudlak sa otc.. hehe.. married na with 1 kid pero nasa pinas ang family. si jen, single pa ata. di ko pa masyadong nakakuwentuhan kasi tahimik lang, one time nga eh natulog pa habang nagkukuwentuhan kami over lunch. haha! iba pang developers sina mulay bilang mayora, married with 2 kids pero gaya ni charm, nasa pinas ang family; si willver, look-a-like ni anjo yllana.. hehe.. married with 1 kid, andito naman sa kl ang family niya; si mark, ang bastos, single pa ata dahil nun una ko silang makasama sa lunch tinanong nila ako kung married na ako.. pagsabi kong oo, sinabihan nila si mark na "basted ka agad pre".. hehe; at si arrie, "asset" ang tawag nila dahil daw sa kanyang ass.. hehe.. married and dito din sa kl nagwowork yun wife niya . si maggie, di ko pa alam kung anong linya. di naman kasi sumasabay samin maglunch. kasabay niya si alex (chinese), bf niya ata.

mukha namang hindi magiging boring ang stay ko dito. wish ko lang na wag akong mahirapan sa work. ang contract pala dito ay nire-renew every 6 months (di sinabi ng ungas na agent ko). kaya dapat magpakitang gilas.. hehe.. buti na lang may kagrupo akong noypi, at least may mapagtatanungan ako. user-friendly? hahaha!

nga pala, bawal ang internet dito. as in walang access. pag open mo ng site, hihingi ng username at password. pero syempre dahil pinoy, meron kami. hahaha! di ko lang alam kung san galing. kaya nga kailangan patago lang. iba talaga ang pinoy no? mapamaraan.. hehe..

o cia lunchtime na, sa susunod na lang uli. kung kelan ako sipagin mag-internet. wala pa kasing pakinabang ang laptop ko. walang OS. hahaha! bye! god bless.

Posted by jona at 11:48:00 | permalink | Add comment