salamat
Sunday, August 10, 2008last week of july had been a stressful week. emotionally. but then, after everything that had happened, im feeling much better now. thanks to the help of a good friend. who never left me during those times. someone i never expected to be the person who lifted me up when i was feeling really low. someone who encouraged me to do things that will make me feel better. someone who understood what i felt and gave his best advice.
sabi nga nila, mas malalaman mo kung sino ang totoong kaibigan mo during tough times. that’s actually true. kc mas marami kang makikitang tao na makakasama mo when you’re happy. pero bihira lng ang kaibigan who’ll be with you when you are not at your best. kaya sobrang thankful talaga ako sa tulong ng kaibigan kong ito. ndi naman talaga kami close. ndi nga kami nag-uusap ng seryoso. asaran. kulitan. ganun lng. until it happened. dun ko nalaman na kahit minsan eh magulo siyang kausap, may times din naman na nakakausap ng matino. hehehe.
salamat pre. marami akong natutunan sau sa totoo lng. mga bagay na dati ay malabo ang dating sakin. salamat sa advice. salamat sa pakikinig. salamat din sa pagkukuwento. salamat talaga kuya…
minsan
Tuesday, July 22, 2008minsan may mga bagay na mahirap intindihin. mahirap unawain. hindi dahil hindi mo alam. kundi dahil ayaw mo talagang alamin. ayaw mong alamin kasi ayaw mong masaktan. ayaw mo na ulit masaktan.
minsan may mga bagay na kahit gaano mo gusto magtagal eh pilit na nawawala. un bang inalagaan mo ng matagal na panahon pero darating din sa punto sa mawawala pa rin sa iyo. kahit gaanong pag-aalaga ang gawin mo. kahit gaanong pagmamahal ang ibigay mo. maiisip mo tuloy, niloko ko lang ba ang sarili ko? pinaniwala sa isang bagay na wala naman talaga? dahil pagkatapos ng lahat ng paghihirap, ng pagsasakripisyo, nawala pa din sayo.
minsan gusto mong paniwalain ang sarili mo na kaya mo pa. na pwede pa. na hindi pa huli. na kahit nasasaktan ka eh patuloy ka pa rin. andyan na yan. hindi mo na matatakasan. kailangan mong harapin. kaya magpapanggap ka na lang na parang walang nangyayari. nagsisimula ka ng maging manhid. hanggang sa tuluyan ka ng mawalan ng pakiramdam.
minsan naman dumarating din sa punto na ikaw na mismo ang aayaw. dahil nagsawa ka na. dahil napagod ka na. nagising ka na sa katotohanan na walang patutunguhan ang lahat ng ginagawa mo. na pinipilit mo lang buhayin ang sarili mo sa isang kasinungalingan. na nabubuhay ka na lang sa pagkukunwari. hanggang sa dumating ang sandali na sumuko ka na.
minsan sinabi niya sayo, wag mong hintayin ung panahon na magsawa siya. na sumuko siya. pero hindi ka nakinig. binalewala mo lang. patuloy ka pa rin sa pananakit sa kanya. sa pagwawalang-bahala sa nararamdaman niya. sinubukan niyang maging manhid. dahil ayaw niyang isuko ang laban ninyo. nagbingi-bingihan siya sa mga naririnig niya patungkol sayo. nagbulag-bulagan sa mga dapat niyang makita. pero wala kang ginawa para sa kanya. para bang may nagawa siyang napakalaking kasalanan sayo na hindi mo kayang patawarin. lagi na lang siyang mali sa paningin mo. kahit minsan eh wala naman talaga siyang kasalanan. gusto niyang maging maayos ang lahat pero kahit anong gawin niya, bumabalik pa rin kayo sa umpisa. na para bang wala kayong pinagsamahan ng matagal na panahon. kahit ikaw ang may mali ay siya pa rin ang nanunuyo sayo. pero ikaw, naitanong mo na ba sa sarili kung kelan ang huling beses na ikaw ang nanuyo sa kanya?
hindi mo lang alam kung gaano kabigat ang dinadala niya. kung gaano kasakit ang pinagdadaanan niya. kaya hindi mo siya masisisi kung tuluyan na siyang sumuko. ginawa na niya ang lahat ng kaya niya. binigay na niya ang lahat ng pwede niyang ibigay. pero pinahalagahan mo man lang ba ang lahat ng pagsasakripisyo niya para sa iyo? isinaalang-alang mo ba kung anong nararamdaman niya? masasabi mo ba sa sarili mo na sa loob ng ilang taon na pinagsamahan niyo ay hindi mo siya binalewala? na naging mahalagang parte siya ng buhay mo?
minahal mo ba siya… kahit minsan lang?
holidays!
Friday, February 8, 2008gong xi fa cai!!! yan ang katumbas ng kung hei fat choi sa pinas.. hehe.. until now, ndi ko pa rin alam kung bakit magkaiba. i remember asking sherwin before, hindi rin siya sure kung bakit. dahil daw cguro un isa ay mandarin, un isa ay fokkien. (anong klaseng chinese ka win? ndi mo alam! hihihi..)
well, 4 days na holiday dito sa MY. 4 days na pahinga sa work. hay, sarap… lalo na at busy ako the past days. kaya nga matagal akong ndi nakapagpost. pero ayaw kong pag-usapan ang work ngaun at baka masira ang holiday mood ko. sayang naman. =p
kahapon nagstart ang holiday for chinese new year. nagpunta kami sa sunway lagoon. it was good kaya lang may uwi akong insect bite from the wildlife. (wah! paborito talaga ako ng nyamok!) maganda siya, wildlife/zoo, theme park, waterpark, all in one place. meron pa nga palang extreme park for those who love wall climbing, etc. all in all, it was a nice experience. nakasakay ako sa pirate’s revenge. sarap! (it’s like viking in star city, mas mataas and even taking a 360-degree turn.) medyo maiksi nga lang ang operating hours nila, 10am to 6pm lng. but we got to enjoy naman. after the park, we ate at pancake house in sunway pyramid. sarap ng tinapang bangus! yum! yum! (though beef tapa ang inorder ko.. nakitikim lng ng bangus.. hehe..)
today, naggrocery lang kami. pahinga. masakit nga actually ang paa ko kakalakad kahapon. napahinga lng ata kami nun magwater park na kami.
bukas, ang plan is to go to melaka. sana matuloy. wala pa kaming bus tiket papunta dun. at parang ndi naman feel ng asawa ko na umalis. gusto atang matulog lang uli maghapon gaya kanina. ampf! sayang ang holiday.
o cia, magready pa ako kung sakaling matuloy kami. ’till next post!
that’s it!!!
Friday, January 18, 2008i’ve had enough of them. sobra na. hindi ko na matatagalan to. hayup to the max. i need to find another job. and fast! hindi ko na makayanan ang nangyayari sa trabaho ko. im all f****d up!
ok, ilang araw na akong walang ginagawa. mali, ilang linggo pala. hindi. parang ilang buwan na. magmula ng magstart ang SIT last nov. manaka-naka na lang i must say. paminsan-minsan, depende sa maisipan ng mga hinayupak na amo. yun tipong magmimiting, tapos may maiisipan sila, tapos ipapagawa sau.. at asap ha! gusto matapos ng araw na un eh samantalang past 3pm na nun at nagmimiting pa kau. o dba? ang saya! nung una ok pa. pero ngayon, batong-bato na ako. tapos napakagulo ng process. or i think it’s better said na walang process! kala ko ba cmmi level 3 sila. bakit ang gulo-gulo?!?! ndi ko alam kung dahil ba sa sobrang dami ng pm nila, labo-labo na. (yun pa pala ang isang di ko magets. napakadami ng pm nila. as in! pero un iba parang ndi pm, alang wenta. taga-forward ng mails. taga-follow-up. taga-tanong ng kung anik-anik. tapos pag tinanong mo about overtime, walang alam. ikaw pa ang hihingan ng ot form. putek!) o talagang magulo lang un sistema nila. o baka magulo un utak nila.. baka may amats..
bad trip tlga ako today. kc un bank na client namin, may conventional at islamic banking. so may separate jobs for each. sabi ng tl ko nun isang araw, may kailangan daw akong idagdag na dependency. ok na un sa conventional kc siya na mismo ang nagbigay. un islamic equivalent ang wala. so tinanong ko un nag-implement ng islamic jobs. hinanap daw niya pero ndi niya makita un equivalent. itanong ko daw sa operator. syempre alam kong busy ang operator, malamang matagalan sumagot. so tinanong ko uli un tl ko, baka naman kc alam niya. ang ending, ibinalik din ako sa unang tinanungan ko (un nag-implement nga). so dahil nga sinabi na sakin na ndi niya mahanap, nagemail na ako sa operator cc un tl ko. aba! nagreply ang tl ko, ako daw ang maghanap! hello? un mismong gumawa nga eh ndi makita, pano ko hahanapin un? saka watak-watak kaya ang mga pds nila. ampf!
tapos naghihintay na lang kmi ng uwian. 5:51 pa ako pwede. 5:47 nang mag-email ang tongeks na pm namin na may batch run ngaung gabi so onsite support na naman ako. aba! tama ba naman un? dumaan ang maghapon walang pasabi tapos kung kelan uwian saka sasabihin. imposible naman na nung oras na un lng nila nalaman na magtatakbo ng batch. syempre pinlano nila un. ano ba naman un magsabi sila ng maaga na nagpaplano magtakbo ng batch ngaun gabi kaya kailangan ng onsite. para naman aware kami. eh hindi eh, 7pm daw ang takbo, mag6 na sila magsabi. mga gago talaga. syempre nasa mindset ko ng umuwi non no! so subukan ba naman ang pasaway na kagaya ko.. alam niyo na kung anong ginawa ko.. hehe.. umuwi pa din ako! hahaha! dali-dali kong niyaya si ge, shutdown ng pc sabay alis. ano kayo sinuswerte? ndi ako aso na pag sinabi niyong stay eh ndi aalis. duh! sayang naman ang pagiging pasaway ko.. =P (anong mail? wala naman akong nabasa ah.. hihihi.)
may nalaman pa ako. hindi sila marunong magbigay ng credit where credit is due. kc may ndi natakbong job. pinacheck ng tl ko. sbi ko ndi natakbo. kontakin ko daw ang operator para maicheck. eh di tinawagan ko. after a few minutes, tumakbo na. tapos nalaman ko na nun nagfollow up pala sa tl ko un may kailangan, sinabi niya na ihahandle na nun isang pm. tapos un pm na un, ang sabi eh pinatakbo na daw niya dun sa mismong tao na tinawagan ko. ayos dba? biglang ndi na ako kasali.. nawala na lang ako sa picture..
ah ewan! tingin ko eto na un sign. sobrang hindi na tlaga ako nag-eenjoy sa pagtatrabaho sa ofc. cguro nga kung gaya sa ibm na wala akong pinoy friends, matagal na akong nagresign. hayup tlga eh. walang kwenta. andami ko ng reklamo. ndi na ako masaya. maybe it’s time to move on…
gtg magbabasa pa ako ng docs about systems programming. magsysprog na lang ako!
bye bye na
Monday, January 14, 2008today is the last day of a friend in eds. nung una parang wala lng. hehe. kc last day dapat niya nun friday. kaya lang, biglang may pinagawang work. as in isang buong taon siyang tunganga tapos on his supposed last 2 days eh meron bigla siyang kailangan na tapusin. kaya ayun, pumasok pa hanggang ngayon. (i wont be surprised kung makita ko pa uli siya sa ofc bukas.. haha!) so un despedida namin nun friday, parang simpleng dinner lang. even yun padespedida niya sa condo nila eh parang ala rin.. hehe.. di ko pa feel nun kc nga alam kong papasok pa siya today.
pero kanina, nun naghihintay ako ng oras para makauwi, nalungkot ako. as in. kaya imbes na magpapaalam lng ako dapat sa kanya nun umakyat ako, hinintay ko na siya para sabay kami umuwi. tapos nun umuwi ako sa haus, pinanood ko un ginawa kong presentation for him. medyo naiyak ako. dun ko narealize na talagang mamimiss ko siya. wala na akong kasabay umuwi. wala ng magyayaya sa padi para magmeryenda. wala na akong kabatuhan ng punchline. wala na akong katulong mang-asar. wala ng mangungulit. pero more than everything, i will really miss the friend i have in him. things will be different now kc babalik na siya sa pinas. nalulungkot na talaga ako.
sabi ko before, hindi mapapantayan ng mga friends ko ngaun un friendship ko with my friends in pal. after all, 5 years kaming nagkasama. but then i came to realize, hindi pala un sa tagal ng panahon na nagkasama kau. but on the quality of the friendship na nabuo ninyo. alam ko na kengkoy akong kaibigan, hindi ako un tipong mushy-mushy lalo na pag nakikipag-usap. ganun nga cguro un friendship namin ni mark, more on the cheerful side.. lalo na pag kasama ang eds pinoy family. pareho ata kami, gusto laging masaya. everybody happy. actually para siyang un kumpare ko. boyoyong. makulit. cool. ang tanging weakness lang ay hindi marunong tumanggi, kaya minsan eh naaabuso. kaya nga sobrang sad ako kc mawawalan na naman ako ng clown.. hehe.. joke! mahirap talaga magpaalam sa isang kaibigan. though alam ko that the communication will still remain, iba pa rin ung magkasama kayo sa iisang lugar.
mark, pare.. salamat sa lahat.. salamat sa pagiging isang kaibigan.. salamat sa tiwala mo na magkuwento about sa buhay-buhay mo.. salamat sa mga jokes na kahit minsan corny eh binibili ko pa rin.. salamat sa paghihintay mo sakin pag uwian.. salamat sa meryenda (pero more than that, nagpapasalamat ako sa oras that we spent time together.. yung kulitan, kwentuhan, asaran..).. salamat din sa lahat ng nagawa mo for me. sa sandaling oras na nagkasama tau, i know you’re a good person. kahit na bastos at maniac ka (hehe..), alam kong isa kang mabuting tao. and im thankful na napunta ako sa eds kc i got to know you. i wish you all the best. alam ko na kung sino man ang babaeng magustuhan mo, (at hopefully makatuluyan mo), swerte siya. kc kahit boyoyong ka on the outside, i know that you’re such a wonderful person inside. kaya kapit ka lang.. darating din ang tamang girl for you.. yung mamahalin ka ng totoo. i know you’ll find your happiness kc u really deserve to be happy. intay ka lang. it will come.. in His time.. gudlak pre.. mamimiss talaga kita. kitakits tau pag nasa pinas ako. but for now, bye bye na.
Heto na ang gabi na ikaw ay aalis
At iiwan mo ako
Sa lahat ng gabi ito ang ayaw dumating
Sana ay umaga na
Tatawagan mo pa rin ba ako
Susulatan mo pa ba ako
Tayo pa rin bang dalawa kahit na
Babye na, aalis ka na
Babye na rin ba sa ating alaala
Meron kang makikita mas higit pa sa akin
Pag ika’y malayo na
Tatawagan mo pa rin ba ako
Susulatan mo pa ba ako
Tayo pa rin bang dalawa kahit na
Babye na, aalis ka na
Babye na rin ba sa ating alaala
Wag mong lilimutin na nandito lng ako
Hawak ang larawan mo
Tatawagan mo pa rin ba ako
Susulatan mo pa ba ako
Tayo pa rin bang dalawa kahit na
Babye na, aalis ka na
Babye na rin ba sa ating alaala…
(alam ko na, tatambay na lang ako lagi sa kota raya para ndi kita mamiss.. KRB rules! bwahaha!)
"sensya na pala, tingin ko, ndi ko to masasabi ng personal.. masisira ang image ko.. hehe.. but i meant everything i wrote here. CIAO!"


