Fate brings you together... but it's still up to you to make it happen..

Home » Page 14

bad day…

Tuesday, November 14, 2006

Call it a bad day. Had some misfortunes today. I wore my 3-inch high-heeled-stilleto sandals for the first time here in KL. Bad idea. I was still around the vicinity of our condo when I learned that it was not easy to walk down to the bus stop (have to go down on sloping street to get there). Hence I walked so slow that I missed the 3 buses that passed by. When I arrived at the bus stop, I had to wait for 15 minutes again to get a ride. Then after the lrt, I have to take another bus. I was still on the escalator at the lrt when I saw the bus that I was supposed to ride already leaving. I had to wait for 15-20 minutes to get another bus. Also, I am still unable to simulate the CSR given to me after some time. And it's really stressing me now. Aside from this, there's also one pending CSR waiting to be done. And to make things worst, the latest CSR I finished, which was scheduled for aprroval today was put on hold. Duh!

And for the biggest misfortune I had.. It was raining the past days. Raining hard that I had to take a cab almost everyday because I dont have an umbrella. Luckily, I was not lazy to bring our long-handle Giordano umbrella today. Unluckily, it was sunny the whole day. Hahaha!!!

Well, had enough for today. Hope there's nothing more to come. Gtg. Ü

Posted by jona at 17:54:00 | permalink | Add comment

Flight Plan cum The Terminal

Wednesday, November 8, 2006

Have you watched the movie 'The Terminal' of Tom Hanks? Ako kasi hindi. Pero alam ko kung ano ang istorya. Eh yung 'Flight Plan' ni Jodie Foster? Ayun, napanood ko yun.  Ano bang kinalaman nito sa blog ko about sa pag-uwi namin ng Pinas? Well…

As an intro, natuloy akong umuwi ng Pinas last weekend with my husband. Everything was ok nun pauwi kami ng Pinas. Nagbus kami from Kuala Lumpur to Singapore. Sinundo kami ni Kuya Andy sa bus station. Kumain kami sa Burger King sa Changi Airport. At naka-check in at nakasakay kami sa PR503. Pagdating sa Manila, nagtaxi kami pauwi. Sobrang trapik saka sobrang init! Mga 2pm na yun. Pero nakakatuwa na makakita uli ng jeep at tricycle.. hehe..

Pagdating namin sa haus, nakita namin agad si Pauline. Nasa kalsada at naglalaro. Wala namang iyakan na naganap. But the feeling was damn so great! Ibang klaseng kaligayahan ang naramdaman ko when I hugged and kissed my daughter again after almost 3 months (*hikbi*). Tapos nakakatuwa kasi ramdam ko na namiss niya din kami. Lagi lang siya nakakandong sa akin, nagkukuwento ng kung ano-ano.

Wala din naman akong masyadong nagawa sa Pinas. Umuwi kami ng bulacan ng Sat night para kunin yun ibang gamit dun. Lumuwas kami back to Manila, Sunday afternoon. Nagsimba. Nagmall at kumain sa julibi.. Hehe.. Isang friend lang nakita ko, si Gelo, kasi kinuha ko yun tiket. Di man lang din ako nakapagtext sa mga friendships ko sa Pinas. Sensya na talaga at super bilis lang ako andyan. Sunday night na ako nagempake ng gamit ni Pauline, alas12 na ata yun. Nakatulog ako 2am na. Gumising ng 5am para maghanda na sa pag-alis. Nun naliligo ako, bigla akong nakaramdam ng lungkot. Nakakalungkot kasi iba pa rin talaga sa Pinas. Iba yun kasiyahan. Pero kailangan ko uli umalis.

Late na kami nakaalis ng haus. Tinopak pa kasi si Pauline. Natulog na kasi mga 0130am, so nun ginising ko ng 0530am, umiiyak. Nakaalis kami ng haus 0630 na ata. 0830 ang flight. At least 0730, dpat andun na kami. Dumating kami 0745 na. Buti na lang bukas pa ang check-in counter. Andun pa kami sa counter ng ilagay niya yun sign na closed na. Good. Sakto lang. Then punta kami sa Immigration. Kinuha ko yun ballpen sa plastic envelope na dala namin kung san nakalagay yun call letter nina Pauline at Daddy para makapasok sila sa Malaysia. Nagsulat ako sa forms. After nun, pinapirma ko sina Daddy at Paul. Inayos ko yun passport at form then binigay ko sa kanilang 2 yun para sa kanila, hawak ko yun sa amin ni Pauline. After ng Immigration, body frisking uli at baggage check. Ok naman lahat. Then boarding na. Nakaupo kami sa row71 nang lapitan me ng FA kung gusto namin lumipat sa may window seat para kay pauline. Lumipat kami. Nagpicturean pa. Nagmuni-muni ako. Nang  bigla kong maisip yun call letter. Passport lang ang nasa handbag ko. Wala sa handcarried baggage namin. Wala din sa unang inupuan namin. Dun ako nag-umpisang magpanic. Di kami makakatuloy sa Malaysia ng wala yun. Dito na nagsimula ang mala-flight plan na adventure ko. Ang kaibahan nga lang, document lang yun hinahanap ko at hindi ang anak ko. Inapproach ko yun FA and asked kung door closed na. Sabi niya, oo daw, pushback na. Patay! Sabi ko may naiwan kaming document sa may counter.  Takbo kaming 2 ng FA sa cockpit para sabihin kay Captain. Kaya lang ang sabi ni Capt, with a firm voice, 'ipadala na lang sa susunod na flight'. Natuliro ako. Natulala. Nawala sa sarili. Sayang na nakaabot kami sa morning flight kung hihintayin namin ang afternoon flight para makuha yun. Mahal mamuhay sa Singapore. Wah! So bumalik na ako sa upuan ko. Dun namin inumpisahang irecall. Last time nga na nakita ko yun envelope was nun kunin ko yun ballpen para magfill up ng form. Last touch si Paul kasi siya ang huling pumirma. I was asking him kung naaalala pa ba niya kung nailagay niya uli sa envelope yun ballpen. Kaya lang di na niya maalala. Isip ako ng isip kung pano na. Then lumapit yun flight purser. Tinanong uli ako kung pano yun nangyari. Kinuwento ko. Tapos ang sabi niya, ipapadala na lang sa next flight kung makikita sa airport. Putek! Nawindang ako. Oo nga pala, nasa Pilipinas ako. Sorry to say pero malamang na may kumuha na nun or baka naitapon pa sa basurahan. Sana lang may nagmagandang loob na ibigay sa airport authorities. Then nagpaliwanag pa siya. Umalis after kong isulat yun description, ibibigay daw niya kay Capt kung pwede iradyo. After some time, bumalik siya. Hindi raw pwede. Magtetelex na lang daw ang SIN airport sa MNL. So after pa yun makalapag ng flight namin. Medyo nawalan ako ng pag-asa na makukuha pa yun kasi 12noon na kami dadating sa SIN. Marami ng pwedeng mangyari by that time. Tuliro lang ako the whole flight. Nag-iisip ng susunod na hakbang. Nun malapit na magland, pinapunta kami sa may harapan para daw mauna kami lumabas. For the first time, nakaupo kami sa business class.. Wehehe… Nun makaland na, inendorse kami ng Purser sa Crew na sumundo sa arrival. Kinuwento ko sa kanya. Magsend daw siya ng telex sa MNL, magclear daw muna kami sa Immig. After ng Immig, kinuha na namin ang bagahe. 12noon na nun. Umakyat kami sa office ng PAL at sinabi nga niya na nakapagtelex na siya. Nagdecide kami na kumain muna sa Burger King. Hindi ko pa rin alam ang gagawin. Gusto ko na tumawag sa agent ko pero wala na akong load. Bumalik kami sa PAL office around 2pm. Di pa raw nagrereply ang MNL. Dun ko nakilala si Sir Kelvin, siya ang station manager ng SIN. Ipinaliwanag ko sa kanya. Tumawag siya sa MNL office para ireport. Tapos nagsuggest siya na baka daw pwede ipa-fax ko na lang sa agent ko. Onga no! Pinagamit niya ako ng computer para makapag-email. Then after some time, sinabi niya sakin na tumawag na daw ang MNL at nakita na daw. Dadalhin sa next flight. Pinag-email niya uli ako sa agent ko para icancel na yun request ko. Tapos sabi niya mamasyal daw muna kami sa SIN. 3pm lang nun. Yun next flight ay dadating ng 630pm.

So dun nag-umpisa ang 'The Terminal' adventure namin. Imagine, mastock ka ba naman sa airport ng more than 7 hours dahil lang sa katangahan. Buti na lang may dala akong extra money. Pinapalit ko ang natitira kong USD20 at RM100 para may dagdag sa pera namin. Naglakad-lakad lang kami sa Airport. Pag napagod, mauupo. Nagpicture taking. Nagtrain pa kami sa Terminal 1 from Terminal 2. Ganun din ang ginawa namin. Lakad, upo, picture. Then nun magsawa, balik sa Terminal 2. Mga 430 ng maisipan uli namin kumain. Naghanap kami ng makakainan na may rice. Buti naman at meron. After nun nagdecide na lang kami na maupo na lang malapit sa office ng PAL. Lumipas ang oras. Nagland na yun next flight. Kaya lang nakalock yun office. Naghintay pa kami hanggang past 7pm. Nun makuha namin, nagtaxi kami agad papunta ng bus station. Ang next na byahe papunta ng KL ay 9pm pa. So tambay pa uli. Nun makasakay na kami ng bus, ubos na ang lakas ko. Bangenge na. To make the long story short, nakarating kami ng haus 3am na. Tapos kailangan ko pumasok that day.

Argh! Inaantok pa ako hanggang ngayon.

Posted by jona at 15:52:00 | permalink | comments[2]

BADTRIP!!!

Friday, October 27, 2006

This is one of the worst days of my life. Yun tipong THIS IS IT na tapos biglang PLAK. BADTRIP TALAGA!

Badtrip #1: Nakabakasyon this week ang mga kagrupo ko. Wala naman kaso.. until today. Nahanap ko na kung bakit di tumatakbo ng tama ang program nila. Putek! Halo-halong code. Ok na sana eh. Kaya lang biglang dumating ang TL ko at binigyan ako ng bagong trabaho na asap din. Magmultiprogramming daw ako. Alam kong binabayaran ako para dun. Pero un part ko sa project na yun ay matagal ng tapos (di ko fault na petiks lang sila sa pagwork kasi regular na sila). Nagbakasyon sila tapos ako ang nagdudusa. Plus the fact na duty coverage din ako, pag may problems sa system, ako din ang haharap. Sabagay, kaming 2 lang ng TL ko ang naiwan. Ano pa bang aasahan ko?

Badtrip #2: Kailangan kong pumunta ng Phil Embassy para kumuha ng OEC para sa pag-uwi ko. Nalaman ko lang kagabi na expired na pala yun dati kaya kailangan ng bago. Unang plano ko, maaga na lang ako aalis sa office. Pero dahil sa tambak na work, baka di ako payagan ng TL ko. So I wouldn't take the risk. Kaya ang solusyon… tumakas!!! Tutal ang lunch break ay 2 hours. Medyo malayo din. Taxi, lrt tapos taxi ulit. Nagmeet kami ng husband ko sa lrt na. Nun pumara kami ng taxi sa KLCC, aba! Ayaw magmetro. At sinisingil kami ng mahal. Syempre tinanong ko kung bakit eh malapit lang naman. Kasi holiday daw. Hello?!?! Nun wed pa tapos ang holiday! Pero dahil lahat sila ay ganun ang sinasabi, no choice. Nakipagbargain na lang ako sa mas mababang presyo. Pagkatapos namin sa embassy, wala kaming makuhang taxi pabalik. Naglakad kami. Naglakad. Naglakad pa. Hanggang sa makarating kami sa sakayan ng lrt. Putek! Sa gitna na mainit na araw yun.

Badtrip #3. Eto na yun ultimate badtrip. Wala ng mas babadtrip pa dito. Nabanggit ko last week na uuwi ako ng Pinas ngayon ayt? Well, all set. Ready to go. Nakaempake na. Nakabili na ako ng tiket. May pasalubong. Nakapagplantsa na ako ng isusuot ko. Inask ko yun friend ko sa Pinas na kukuha ng tiket para kay Pauline at kay Daddy. Ngayon pa lang daw nila aayusin. So akala ko ok na. Galing kami sa Badtrip#2, naglalakad papunta ng LRT ng mapansin ko na may missed call ako. At Globe number. Naisip ko agad yun friends ko na nag-aayos ng tiket. Naisip ko baka may problema. At… meron nga! Ayaw daw pumayag sa benefits kasi nakahold daw ang account ko. Meaning, di ko magagamit ang benefits ko unless marelease ang clearance-ko-na-kung-hindi-ko-pa-nifollowup-2-weeks-ago-eh-hindi-pa-ipafollow-up-sa-kung-saan-para-kumilos-na-ang-processing. Hello? It's been 3 months since my last day in PAL. 2 months since the effectivity of my resignation. What's taking it so long? May nagawa ba akong krimen? Oo, inaamin ko, marami akong leave.. marami akong nakuhang gamot sa medical.. marami akong trip pass na ginamit.. Pero diosmio! Benepisyo ko yun bilang employee.. i mean ex-employee ng PAL. To make the long story short, kahit nakiusap na yun friend kong si Sherwin sa akala niyang friend niya dahil binigyan siya ng discount card sa Gerry's at nakasama niyang magdinner after a basketball game, wala pa ring nangyari. Di raw talaga pwede dahil company policy. So cancelled ang lahat. Wa na. Ganun lang. Dahil sa hindi nila ginawa ang trabaho nila, dead na ang pangarap kong umuwi ng Pinas ngayon at mayakap na ang anak ko.

Call it a bad day. It really is. Kakatapos lang naming makachat ang anak namin. Mukhang ok pa rin naman siya. Kaya lang nagpaalam na daw sa mga classmates niya at nagprisinta na bibigyan sila ng chocolate. Hahaha! Lahat daw ng kakilala ay pinangakuan na bibigyan ng tsokolate. 4 years old lang yan ha! Miss ko na talaga ang baby ko.. =(

Well… Better luck next time my dear… Pero di pa kami tapos ng taga-benefits.. Ipaglalaban ko ang karapatan ko! Lalo na ngayon at isa na akong Bagong Bayani ng Pilipinas! Mabuhay ang mga OFW! Bwahaha! Gutom lang cguro to. Gtg.

Posted by jona at 21:19:00 | permalink | comments[2]

TGIF

Friday, October 20, 2006

Thank God it's Friday. Two days off from work. It's not that I don't like my job here in Malaysia. In fact, I like it here (I hope it'll be like that until I finish my contract.. hehe..). The work is not stressful compared to Singapore. Just a little bit more stress from the Phils but the pay compensates for that. In fact, I feel that it's almost the same environment. I just feel a little more stressed because I get guilty that I have to do better here since I get paid more.Ü

It's Friday. But we have no plans to go out. Hahaha! (Where's the gimikerang Jona?) I'd rather stay at home and cook Filipino food than go out and spend at those Chinese restaurants. It's a bit expensive to eat out here. You will only eat Sweet & Sour Pork and Yang Chow Fried rice and it will cost you around RM30-40 (Php400-500). That money can already buy me pork, beef, chicken and prawn which we can eat out for 4 dinners! (Kuripot yata talaga ako! Hehe..) Also I dont like their beers here.. I haven't tasted one and don't plan to taste any. Nothing will still compare to the cold bottle of SanMig light.. hehe.. Hay.. Namiss ko tuloy pag nagkakayayaan kami ng '1 bottle'. Lalabas kami ng office ng 5pm, di pa nagla-logout, iniwan ang mga gamit at iinom ng beer sa Conrads.. Hehe.. Tapos babalik sa office (minsan amoy alak pa! haha!), kukunin ang gamit sabay layas. Hay.. I miss those days.

It's Friday. But I still don't look forward to the weekend. Though my husband is here with me, it's still different having my daughter around. Yung manonood kayo ng cartoons. Maglalaro ng kung ano-ano. Magkukulitan. Lalo na ngayon at may work ang husband ko sa weekend. Mag-isa lang ako sa house. Ayaw ko naman sumabit sa lakad ng friend ko. Matutulog na lang siguro ako maghapon. Hehehe..

It's Friday. Pwedeng magstay late sa panonood ng tv dahil walang pasok kinabukasan. Pwedeng kumain ng kumain kahit gabi na dahil hindi ka naman nagmamadaling matulog. Pwedeng magkuwentuhan muna to the max. Pwedeng di matulog ng maaga nang hindi ka nagwoworry na kulang na naman ang 8-hour sleep routine mo.

It's Friday. Our 11th Friday here. Naisip ko, what's so special on a Friday. Wala naman. Naisip ko kasi na gusto ko kumain sa Fridays (may Fridays dito!). Hahaha!!! Get lost!

Pahabol: Next Friday, hopefully ay matuloy na ang pag-uwi ko sa Pinas para kunin ang baby ko. Hay.. Can't wait for next Friday… Ü

Posted by jona at 17:40:00 | permalink | Add comment

Anaps Adventure

This will start the long battle between myself and the Anaps here around KL. (Sa mga hindi nakakaalam, Anaps is the term used to describe all our friendly friends na hindi masyadong mababango. Yun mga nagpapautang ng 5-6 sa ating mga kababayan at naniningil sakay ng motorsiklo. Kung di niyo pa rin alam, wag niyo ng alamin!)

From the start, even before I left the Phils, I've already psyche myself that I cannot get away from them kasi Anaps ang agent ko. And when I came here, I had another few reasons kung bakit di ako makakawala sa kanila. Sa kawalan ng kakilala dito, napilitan kaming magstay sa staff house kung saan puro Anaps ang housemate at ang condo ay nasa isang Anaps na lugar, sa Brickfields, KL Sentral. Sa office, napakarami nila. My Pinay colleague told me that someone had told her that there are so many Anaps here that they don't want to hire more. Bwahaha! Ang pinakamalupit, kahit saan ka lumingon, may Anaps. Sa mall, sa lrt, sa kalsada. They are everywhere here!

Pero hindi niyo ako dapat kaawaan. Nakakasurvive naman ako. Nasanay na nga ako sa kanila kahit papaano. Awa ng Diyos, hindi pa naman sira ang pang-amoy ko. (Btw, sa kabutihang-palad, nakalipat na kami sa ibang condo, after almost 2 months ng pagtitiis, malayo sa lugar nila, kung saan Pinoy na ang mga kasama namin.. Hay salamat..)

Marami akong kuwentong Anaps magmula ng pagdating ko dito. Kaya lang nalimutan ko na ang iba. (Ikaw na ang mageneral anaesthesia nang manganak. Hahaha!) Saka karamihan sa mga yun ay small stories lang, walang masyadong impact na ikuwento. Gaya ng magkakaroon ka ng katabi na amoy-putok.. as in di lang basta putok.. putok na putok! Putek! Wag na nga yang mga ganyang kababuyan. Naaalibadbaran ako. Bwahaha!

Irerecall ko muna mga Anaps stories ko. I'll try to post one everytime may naaalala ako. Hehe..

Posted by jona at 13:57:00 | permalink | comments[1]