Fate brings you together... but it's still up to you to make it happen..

Home » Tags

holidays!

Friday, February 8, 2008

gong xi fa cai!!! yan ang katumbas ng kung hei fat choi sa pinas.. hehe.. until now, ndi ko pa rin alam kung bakit magkaiba. i remember asking sherwin before, hindi rin siya sure kung bakit. dahil daw cguro un isa ay mandarin, un isa ay fokkien. (anong klaseng chinese ka win? ndi mo alam! hihihi..)

well, 4 days na holiday dito sa MY. 4 days na pahinga sa work. hay, sarap… lalo na at busy ako the past days. kaya nga matagal akong ndi nakapagpost. pero ayaw kong pag-usapan ang work ngaun at baka masira ang holiday mood ko. sayang naman. =p

kahapon nagstart ang holiday for chinese new year. nagpunta kami sa sunway lagoon. it was good kaya lang may uwi akong insect bite from the wildlife. (wah! paborito talaga ako ng nyamok!) maganda siya, wildlife/zoo, theme park, waterpark, all in one place. meron pa nga palang extreme park for those who love wall climbing, etc. all in all, it was a nice experience. nakasakay ako sa pirate’s revenge. sarap! (it’s like viking in star city, mas mataas and even taking a 360-degree turn.) medyo maiksi nga lang ang operating hours nila, 10am to 6pm lng. but we got to enjoy naman. after the park, we ate at pancake house in sunway pyramid. sarap ng tinapang bangus! yum! yum! (though beef tapa ang inorder ko.. nakitikim lng ng bangus.. hehe..)

today, naggrocery lang kami. pahinga. masakit nga actually ang paa ko kakalakad kahapon. napahinga lng ata kami nun magwater park na kami.

bukas, ang plan is to go to melaka. sana matuloy. wala pa kaming bus tiket papunta dun. at parang ndi naman feel ng asawa ko na umalis. gusto atang matulog lang uli maghapon gaya kanina. ampf! sayang ang holiday.

o cia, magready pa ako kung sakaling matuloy kami. ’till next post!

Posted by jona at 23:07:00 | permalink | Add comment

Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin

Tuesday, December 18, 2007

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan
o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan
ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.
Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay
nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin
As ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit,
Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik
Na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin
ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit
at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan,
Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay
At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ….
Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina…

Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan

Very touching. Nung unang beses na mabasa ko ito, naiyak ako. Siguro hindi lang bilang isang anak kundi mas higit bilang isang magulang. Tama nga un kasabihan na maiintindihan mo lang ang mga pangaral sayo ng magulang mo if you're already a parent. Na wala silang hahangarin sa buhay mo kundi pawang kabutihan lamang… what's the best for you..

Sa aking mga magulang, maraming salamat. Hindi ko man laging nasasabi, mahal na mahal ko kayo. Gagawin ko ang lahat para sa ikagiginhawa ng buhay ninyo.

Posted by jona at 14:59:00 | permalink | comments[25]

xmas is near!

Monday, December 3, 2007

december na! advance meri xmas. =)

well, andito pa rin ako sa KL. di kami uuwi sa pinas this year (*tipid mode* hihihi..).  kaya madami na naman akong mami-miss. here's a list of what I miss the most during this time of the year.

1. my family - since birth, kasama ko na sila.. we share every occasion.. but things changed when i started to work abroad. no matter how much i want to be with them, i need to consider so many factors. pero syempre masaya ako that my hubby and my baby are here with me. 

2. my friends - this is the perfect time for gatherings, parties.. kainan, inuman, kuwentuhan. catching up with each other's lives. 

3. food!!! - need i say more? sa dami ng parties this season, ikaw ang susuko sa pagkain. gusto ko tuloy ng bibingka at puto bumbong! waaahhh!!!

4. parties - sangkaterbang party.. from the office to my friends.. hay.. i miss those days.. (pero this year, may xmas party kaming mga noypi. at least meron kahit isa.. hahaha..)

5. performing in the parties - narealize ko lng recently, kakamiss din palang magperform. eto kc yun time na may performance sa ISD xmas party at isa ako sa usual organizers/performers. kakamiss sumayaw. =(

6. gifts! - eto un time na umaapaw ang cube ko sa mga regalo. as in!

7. going to divisoria - this is a dreaded time for my hubby kc kailangan namin pumunta ng divi para bumili ng kung anik-anik. pangregalo sa lahat ng nilalang. ayaw na ayaw niya, gustong-gusto ko naman. ang mura kc eh.. hihihi…

8. xmas carols - kakamiss din un tipong kahit san ka magpunta eh makakarinig ka ng xmas songs. dito kc sa mall lang usually nagpapatugtog nun. (which gives me an idea na magsound trip sa pasko, bulabugin ang mga kapitbahay… hehe…)

9. xmas decors - xmas trees, lanterns, xmas lights, poinsettia, xmas balls.. kakamiss mag-ayos ng xmas tree. dito kc parang medyo nakakatamad, alangan naman bumili ako ng bumili ng decor tapos pahirapan ko ang sarili ko pag uuwi na kami dahil sa dami ng iuuwi.. argh!

10. xmas mass - meron namang xmas mass dito pero iba pa rin sa pinas. i miss the xmas eve mass in Lourdes. you really can feel the spirit of xmas. cguro dahil na rin sa mood ng mga tao na lahat masaya.

actually nakakamiss na talaga ang xmas sa pinas. sayang talaga at di na naman kmi makakapagxmas dun. 2 years in a row na. hopefully next year… =p

Posted by jona at 15:18:00 | permalink | Add comment

1st week

Friday, September 7, 2007

salamat. friday na naman. nakatapos na naman ng 1 linggo. tungangers pa din. ala pang binibigay na work. kung ano-anong docs lang ang pinapabasa samin.

nga pala, ok dito sa eds. marami kaming pinoy. 10! so di na malulungkot ang lola niyo. ipakilala ko sila sa inyo. si john, kagrupo ko sa over-the-counter na project. galing siya sa accenture, cobol ang expertise. si lucky, gf ni john. dating developer sa accenture (cobol din) pero BA na dito ngayon. BA din sina charm at jen. si charm ay BA na PM as in puro miting.. hehe.. siya daw ang BA namin sa OTC at kinakabahan ako sa tuwing sinasabihan niya kami ng gudlak sa otc.. hehe.. married na with 1 kid pero nasa pinas ang family. si jen, single pa ata. di ko pa masyadong nakakuwentuhan kasi tahimik lang, one time nga eh natulog pa habang nagkukuwentuhan kami over lunch. haha! iba pang developers sina mulay bilang mayora, married with 2 kids pero gaya ni charm, nasa pinas ang family; si willver, look-a-like ni anjo yllana.. hehe.. married with 1 kid, andito naman sa kl ang family niya; si mark, ang bastos, single pa ata dahil nun una ko silang makasama sa lunch tinanong nila ako kung married na ako.. pagsabi kong oo, sinabihan nila si mark na "basted ka agad pre".. hehe; at si arrie, "asset" ang tawag nila dahil daw sa kanyang ass.. hehe.. married and dito din sa kl nagwowork yun wife niya . si maggie, di ko pa alam kung anong linya. di naman kasi sumasabay samin maglunch. kasabay niya si alex (chinese), bf niya ata.

mukha namang hindi magiging boring ang stay ko dito. wish ko lang na wag akong mahirapan sa work. ang contract pala dito ay nire-renew every 6 months (di sinabi ng ungas na agent ko). kaya dapat magpakitang gilas.. hehe.. buti na lang may kagrupo akong noypi, at least may mapagtatanungan ako. user-friendly? hahaha!

nga pala, bawal ang internet dito. as in walang access. pag open mo ng site, hihingi ng username at password. pero syempre dahil pinoy, meron kami. hahaha! di ko lang alam kung san galing. kaya nga kailangan patago lang. iba talaga ang pinoy no? mapamaraan.. hehe..

o cia lunchtime na, sa susunod na lang uli. kung kelan ako sipagin mag-internet. wala pa kasing pakinabang ang laptop ko. walang OS. hahaha! bye! god bless.

Posted by jona at 11:48:00 | permalink | Add comment

Wowowee Scam

Friday, August 31, 2007

Hindi ko napanood yun live presentation ng Wowowee nun mangyari ang sinasabing 'scam' na ito. Kasi di naman talaga ako nanonood ng Wowowee. Never liked it. Para kasi akong nanonood ng circus. Napanood ko lang ang video sa YouTube. Nun mapanood ko yun, ang tanging tanong na naisip ko ay BAKIT MAY DALAWANG NUMBER SA ISANG WHEEL? ano ang intention nito? is it really intended to cheat? to manipulate the outcome of the game?

alam kong maraming naghihintay ng paliwanag ukol dito. ng kasagutan sa mga tanong na ito. pero walang nagpapaliwanag. nobody seems to care to explain. parang pilit na kinakalimutan ang nangyari. i really admire joey de leon for highlighting this issue. kasi hindi naman to simpleng bagay lang lalo na sa maraming tao na umaasa sa show nila. kasi ang tingin ko talaga, ayaw ng abs na isensationalize ang issue na ito dahil wala silang maibibigay na paliwanag.

kahapon, nagsalita si willie revillame sa wowowee. syempre di ko na naman napanood.. hehe.. ngayon ko lang napanood sa youtube. i dont know what willie is trying here. trying to get some sympathy from the people? hello? the audience are a lot smarter than what you think. bakit kailangan mong ibalik ang nakaraan? bakit lahat ng sinabi mo ay walang kinalaman sa totoong issue? bakit si joey de leon ang tinitira mo? sagutin mo ang tanong ng mga tao. sagutin mo kung BAKIT MAY DALAWANG NUMBER SA ISANG WHEEL? yun lang. di mo na kailangan magdrama. nakakairitang panoorin sa totoo lang. di ko na nga tinapos. kasi parang walang sense. why not stick to the issues. yun lang ang kailangan mong sagutin at ipaliwanag. may nalalaman ka pang, wag hintayin ni joey na mawala ang respeto mo sa kanya. as if he cares! hello? sino ka ba para mag-alala si joey na mawala ang respeto mo? may nalalaman ka pang mga kaso. hello? what has it got to do with this issue? anuvah! haller?

marami na akong nabasa na comments about this. everyone's waiting for your explanation. yun lang. wag ka ng mandamay ng iba para lang magmukha kang kawawa. wag kang maghanap na sisisihin para magmukha kang api. kung ayaw mong tirahin ka, ayusin mo ang ginagawa mo. gaya nga ng sabi ni joey, EXPLAIN BEFORE YOU COMPLAIN.

Posted by jona at 1:36:00 | permalink | Add comment