Fate brings you together... but it's still up to you to make it happen..

Home » Tags

wish i could help

Thursday, August 21, 2008

my previous entry was about a friend whom im really thankful kc ndi ako iniwan during the time na medyo magulo ang utak ko. ndi pala medyo. magulo talaga. talking to him made me realize so many things. parang tranquilizer na nagpakalma sa akin. made me stop and think. think about things na ayaw tanggapin na utak ko. so talagang i consider him as one of my very good friends na. kc iilan lng naman ang napagsasabihan ko ng ganung problema.

kaya medyo sad ako to see him worrying about something. something na ndi ko alam. para kasing may gumugulo sa isip niya. tahimik. ndi palakibo. ndi makulit. basta. parang ndi siya. kaya pati ako ay nagwoworry na. sana alam ko kung anong nangyayari. but then, hindi ko naman siya pwedeng pilitin na magkuwento. sabi nga niya, ayaw niya munang pag-usapan ngaun.

kuya, andito lang ako ha. pag kailangan mo ng kausap. i hope it’s nothing serious. i wish i could help you.

Posted by jona at 15:50:00 | permalink | Add comment

bye bye na

Monday, January 14, 2008

today is the last day of a friend in eds. nung una parang wala lng. hehe. kc last day dapat niya nun friday. kaya lang, biglang may pinagawang work. as in isang buong taon siyang tunganga tapos on his supposed last 2 days eh meron bigla siyang kailangan na tapusin. kaya ayun, pumasok pa hanggang ngayon. (i wont be surprised kung makita ko pa uli siya sa ofc bukas.. haha!) so un despedida namin nun friday, parang simpleng dinner lang. even yun padespedida niya sa condo nila eh parang ala rin.. hehe.. di ko pa feel nun kc nga alam kong papasok pa siya today.

pero kanina, nun naghihintay ako ng oras para makauwi, nalungkot ako. as in. kaya imbes na magpapaalam lng ako dapat sa kanya nun umakyat ako, hinintay ko na siya para sabay kami umuwi. tapos nun umuwi ako sa haus, pinanood ko un ginawa kong presentation for him. medyo naiyak ako. dun ko narealize na talagang mamimiss ko siya. wala na akong kasabay umuwi. wala ng magyayaya sa padi para magmeryenda. wala na akong kabatuhan ng punchline. wala na akong katulong mang-asar. wala ng mangungulit. pero more than everything, i will really miss the friend i have in him. things will be different now kc babalik na siya sa pinas. nalulungkot na talaga ako.

sabi ko before, hindi mapapantayan ng mga friends ko ngaun un friendship ko with my friends in pal. after all, 5 years kaming nagkasama. but then i came to realize, hindi pala un sa tagal ng panahon na nagkasama kau. but on the quality of the friendship na nabuo ninyo. alam ko na kengkoy akong kaibigan, hindi ako un tipong mushy-mushy lalo na pag nakikipag-usap. ganun nga cguro un friendship namin ni mark, more on the cheerful side.. lalo na pag kasama ang eds pinoy family. pareho ata kami, gusto laging masaya. everybody happy. actually para siyang un kumpare ko. boyoyong. makulit. cool. ang tanging weakness lang ay hindi marunong tumanggi, kaya minsan eh naaabuso. kaya nga sobrang sad ako kc mawawalan na naman ako ng clown.. hehe.. joke! mahirap talaga magpaalam sa isang kaibigan. though alam ko that the communication will still remain, iba pa rin ung magkasama kayo sa iisang lugar.

mark, pare.. salamat sa lahat.. salamat sa pagiging isang kaibigan.. salamat sa tiwala mo na magkuwento about sa buhay-buhay mo.. salamat sa mga jokes na kahit minsan corny eh binibili ko pa rin.. salamat sa paghihintay mo sakin pag uwian.. salamat sa meryenda (pero more than that, nagpapasalamat ako sa oras that we spent time together.. yung kulitan, kwentuhan, asaran..).. salamat din sa lahat ng nagawa mo for me. sa sandaling oras na nagkasama tau, i know you’re a good person. kahit na bastos at maniac ka (hehe..), alam kong isa kang mabuting tao. and im thankful na napunta ako sa eds kc i got to know you. i wish you all the best. alam ko na kung sino man ang babaeng magustuhan mo, (at hopefully makatuluyan mo), swerte siya. kc kahit boyoyong ka on the outside, i know that you’re such a wonderful person inside. kaya kapit ka lang.. darating din ang tamang girl for you.. yung mamahalin ka ng totoo. i know you’ll find your happiness kc u really deserve to be happy. intay ka lang. it will come.. in His time.. gudlak pre.. mamimiss talaga kita. kitakits tau pag nasa pinas ako. but for now, bye bye na.

Heto na ang gabi na ikaw ay aalis
At iiwan mo ako
Sa lahat ng gabi ito ang ayaw dumating
Sana ay umaga na

Tatawagan mo pa rin ba ako
Susulatan mo pa ba ako
Tayo pa rin bang dalawa kahit na

Babye na, aalis ka na
Babye na rin ba sa ating alaala

Meron kang makikita mas higit pa sa akin
Pag ika’y malayo na

Tatawagan mo pa rin ba ako
Susulatan mo pa ba ako
Tayo pa rin bang dalawa kahit na

Babye na, aalis ka na
Babye na rin ba sa ating alaala

Wag mong lilimutin na nandito lng ako
Hawak ang larawan mo

Tatawagan mo pa rin ba ako
Susulatan mo pa ba ako
Tayo pa rin bang dalawa kahit na

Babye na, aalis ka na
Babye na rin ba sa ating alaala…

(alam ko na, tatambay na lang ako lagi sa kota raya para ndi kita mamiss.. KRB rules! bwahaha!)

"sensya na pala, tingin ko, ndi ko to masasabi ng personal.. masisira ang image ko.. hehe.. but i meant everything i wrote here. CIAO!"

Posted by jona at 22:23:00 | permalink | Add comment

missin’ my friends =(

Saturday, November 17, 2007

today is chelle's bday. yesterday was sherwin's. we could have had a bday celeb for them anytime next week. dinner. inom. kuwentuhan. hay, i miss those days.

i've been here for more than a year now. although everytime na umuuwi ako, i always make it a point to meet them. kaya lng no matter how much i want to always meet them, minsan hindi talaga kaya ng sched. sa 4 times na uwi ko, twice ko lang ata cla na-meet. sobrang sandaling oras para makasama sila ulit. limited time to catch up with each other's lives. kc ngaun di na rin frequent ang email exchanges. if i won't initiate, there will not even be one. kakalungkot. kasi we used to be together more than the time we spent with our own families. tapos ngaun, wala na, hiwa-hiwalay. nasa aussie na si kuya andz. nasa sin si lloyd. andito ako sa kl. nasa pinas man un 4, di na rin ata madalas magkita. s accenture na kc c chelle while the rest, jen, win and jr, are still with pal.

i really miss them. mula sa breakfast, lunch at meryenda together.. to the numerous dinners we also shared to celebrate an occasion among us.. to the 1-bottle sessions.. to just being pasaways.. kahit naman may pinoy friends na ako sa bagong work ko, hindi pa rin matatawaran ang pinagsamahan namin ng mga pal mates ko. as people would always say, you'll experience the real world when you start working. yeah it's true. and im so happy that i have close friends that accompanied me while going through the real world. kumbaga, sa unang sabak ko sa trabaho, i found special people who made my life more meaningful. cguro nga, kahit saan ka naman magstart, you'll find close friends. but then, hindi ko ipagpapalit ang pal friends ko. i dont think i'll ever find other guys like them. mga totoong tao. walang pretensions.

sabi nga ni chelle sa reply nia sa bday greeting ko.. missin' the old tyms…

note: there's also another pal friend that i miss. never a dull moment with him. though in a way ay nagkahiwalay kami ng group, the friendship between us remained. isa rin siya sa maituturing ko na closest friends ko sa pal. un kumpare ko.

i miss you all guys. hope we find some time to be together soon. god bless you all. tc.

Posted by jona at 23:10:00 | permalink | Add comment

sEpTeMbEr Na!!!

Saturday, September 1, 2007

umpisa na naman ng -ber months. isa lang ang ibig sabihin nun. malapit na ako magbday! yehey! hahaha! syempre alam naman nating lahat kung ano. malapit na naman ang pasko. =) nun magmall nga kami kahapon, nagpapatugtog na ng xmas carols. syempre feel mo na ang xmas spirit. at kasabay ng lahat ng ito, babalik na kami bukas ng gabi sa kl. =(

hay kakalungkot din. tapos na ang masasayang araw. balik sa lungga para kumita. sabi nga ng nanay ko kanina, wag na daw kaming bumalik dun. sabi ko naman, hindi pwede. una, may pinirmahan akong kontrata dun, baka mademanda pa ako. pangalawa, marami na naman akong utang. hehe. kailangan ng pambayad. naisip ko nga after cguro ng contract ko, balik muna kami sa pinas. pahinga lang. dito muna titira uli, dito magtatrabaho. ayan nasesenti na tuloy ako. malamang nito eh ayoko na naman bumalik. haha!

tama na nga ang drama. tungkol nga sa pagpasok ng pasko ang pinag-uusapan tapos senti ako. well, kasi nakakalungkot din naman talaga. kasi sa malaysia di mo talaga feel ang pasko. muslim country kasi eh. though holiday siya, parang normal na araw lang na dadaan. di gaya sa pinas. hay. sana makauwi uli kami sa pasko. iba kasi talaga ang paskong pinoy. kahit naman nagcecelebrate ng xmas sa church na pinagsisimbahan namin sa malaysia, iba talaga eh.

well, sa ngayon walang choice eh. kailangan talaga bumalik sa kl. kailangan makaipon na para magkaroon ng choice. kakamiss talaga tumira sa pinas.

Posted by jona at 23:51:00 | permalink | Add comment

"ofw material"

Monday, January 22, 2007

"parang ayoko ng maging ofw." eto ang isang bagay na laging nasa isipan ko ngayon. nauna ko tong naisip nung hindi kami nakauwi ng new year's eve. tapos nagkaroon ng pressure sa trabaho. yun tipong kailangan mong solusyunan ang isang bagay na hindi mo alam kung ano ba talaga ang problema. ah basta. dun nag-umpisa yun. nahirapan kasi akong mag-isip. pero nasolusyunan ko na yun. kaya nagtataka ako kung bakit naiisip ko pa rin ang kalagayan ko bilang ofw.

ewan ko. andami kong nami-miss sa pinas. mga kamag-anak, kaibigan, pagkain, lugar.. ultimo tv shows. kahit kasama ko ang pamilya ko, iba pa rin yun nasa pinas ka mismo. kasi andun lahat ng taong mahalaga sayo. alam mong anuman ang mangyari, maraming dadamay sayo. isa pa, mag-isa lang akong pinay dito sa office namin. wala akong masasabi na kaibigan talaga. mag-isa akong magbreakfast, lunch at meryenda sa cubicle ko. madalas nakikipag-usap lang tungkol sa work. nakikipagkuwentuhan man yun isang kagrupo ko, iba pa rin. di gaya dati na pag nabuburyong na ako sa work, mamamasyal lang ako sa cube ng isa sa mga kaibigan ko, ayos na. tapos excited ka pag oras ng kainan kasi alam mong magiging masaya ka kung anuman ang mapagkuwentuhan o mapagtripan niyo. naiiyak tuloy ako. namimiss ko na yung mga kaibigan ko. naiisip ko nga minsan, tama ba tong naging desisyon ko? is it all worth it? malaki nga ang kita ko pero masaya ba ako?

pag ganito na ang takbo ng utak ko, iniisip ko na lang yun dahilan kung bakit ako nag-abroad. para makaipon. para sa anak ko. kaya lang, sa dami ng obligasyon na kailangang bayaran, konti lang ang maiipon namin pagkatapos ng 1 taong kontrata ko. kaya nga gustuhin ko man umuwi na lang, hindi pwede. una, maraming umaasa sakin. ayoko namang biguin sila. pangalawa, ayokong biguin si Lord. Hiningi ko ito, binigay Niya. sabi nga ng asawa ko, hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makapag-abroad. pero higit sa lahat, ayokong biguin ang sarili ko. ayokong bumalik ng pinas na wala man lang akong napala dito. ayokong bumalik ng walang naachieve. gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya kong pangatawanan tong pinasok ko. dati sabi ko sana i-extend ang contract ko para maraming maipon. pero ngayon, iba na. kung i-eextend, ok lang para mas makaipon. kung hindi, ok lang din. tipirin na lang ang naipon. di ko kasi alam kung gusto ko pang magwork sa ibang bansa. iextend man ako dito o lumipat sa ibang lugar.

nagtataka nga ako sa isa kong kaibigan kasi wala na siyang balak bumalik sa pinas. ako kasi, gusto ko pa ring dun magsettle. kahit gaano man kabulok ang sistema sa pinas, para sa akin, andun pa rin ang buhay. natatawa tuloy ako sa sarili ko. dati dasal ako ng dasal para makapag-abroad. ngayong andito na ako, nalulungkot naman ako. isa lang ang masasabi ko. hindi ako "ofw material".
 

Posted by jona at 15:11:00 | permalink | Add comment