Fate brings you together... but it's still up to you to make it happen..

Home » Archives » 08. February 2008

holidays!

Friday, February 8, 2008

gong xi fa cai!!! yan ang katumbas ng kung hei fat choi sa pinas.. hehe.. until now, ndi ko pa rin alam kung bakit magkaiba. i remember asking sherwin before, hindi rin siya sure kung bakit. dahil daw cguro un isa ay mandarin, un isa ay fokkien. (anong klaseng chinese ka win? ndi mo alam! hihihi..)

well, 4 days na holiday dito sa MY. 4 days na pahinga sa work. hay, sarap… lalo na at busy ako the past days. kaya nga matagal akong ndi nakapagpost. pero ayaw kong pag-usapan ang work ngaun at baka masira ang holiday mood ko. sayang naman. =p

kahapon nagstart ang holiday for chinese new year. nagpunta kami sa sunway lagoon. it was good kaya lang may uwi akong insect bite from the wildlife. (wah! paborito talaga ako ng nyamok!) maganda siya, wildlife/zoo, theme park, waterpark, all in one place. meron pa nga palang extreme park for those who love wall climbing, etc. all in all, it was a nice experience. nakasakay ako sa pirate’s revenge. sarap! (it’s like viking in star city, mas mataas and even taking a 360-degree turn.) medyo maiksi nga lang ang operating hours nila, 10am to 6pm lng. but we got to enjoy naman. after the park, we ate at pancake house in sunway pyramid. sarap ng tinapang bangus! yum! yum! (though beef tapa ang inorder ko.. nakitikim lng ng bangus.. hehe..)

today, naggrocery lang kami. pahinga. masakit nga actually ang paa ko kakalakad kahapon. napahinga lng ata kami nun magwater park na kami.

bukas, ang plan is to go to melaka. sana matuloy. wala pa kaming bus tiket papunta dun. at parang ndi naman feel ng asawa ko na umalis. gusto atang matulog lang uli maghapon gaya kanina. ampf! sayang ang holiday.

o cia, magready pa ako kung sakaling matuloy kami. ’till next post!

Posted by jona at 23:07:00 | permalink | comments[3]