Fate brings you together... but it's still up to you to make it happen..

Home » Archives » January 2008

that’s it!!!

Friday, January 18, 2008

i’ve had enough of them. sobra na. hindi ko na matatagalan to. hayup to the max. i need to find another job. and fast! hindi ko na makayanan ang nangyayari sa trabaho ko. im all f****d up!

ok, ilang araw na akong walang ginagawa. mali, ilang linggo pala. hindi. parang ilang buwan na. magmula ng magstart ang SIT last nov. manaka-naka na lang i must say. paminsan-minsan, depende sa maisipan ng mga hinayupak na amo.  yun tipong magmimiting, tapos may maiisipan sila, tapos ipapagawa sau.. at asap ha! gusto matapos ng araw na un eh samantalang past 3pm na nun at nagmimiting pa kau. o dba? ang saya! nung una ok pa. pero ngayon, batong-bato na ako. tapos napakagulo ng process. or i think it’s better said na walang process! kala ko ba cmmi level 3 sila. bakit ang gulo-gulo?!?! ndi ko alam kung dahil ba sa sobrang dami ng pm nila, labo-labo na. (yun pa pala ang isang di ko magets. napakadami ng pm nila. as in! pero un iba parang ndi pm, alang wenta. taga-forward ng mails. taga-follow-up. taga-tanong ng kung anik-anik. tapos pag tinanong mo about overtime, walang alam. ikaw pa ang hihingan ng ot form. putek!) o talagang magulo lang un sistema nila. o baka magulo un utak nila.. baka may amats..

bad trip tlga ako today. kc un bank na client namin, may conventional at islamic banking. so may separate jobs for each. sabi ng tl ko nun isang araw, may kailangan daw akong idagdag na dependency. ok na un sa conventional kc siya na mismo ang nagbigay. un islamic equivalent ang wala. so tinanong ko un nag-implement ng islamic jobs. hinanap daw niya pero ndi niya makita un equivalent. itanong ko daw sa operator. syempre alam kong busy ang operator, malamang matagalan sumagot. so tinanong ko uli un tl ko, baka naman kc alam niya. ang ending, ibinalik din ako sa unang tinanungan ko (un nag-implement nga). so dahil nga sinabi na sakin na ndi niya mahanap, nagemail na ako sa operator cc un tl ko. aba! nagreply ang tl ko, ako daw ang maghanap! hello? un mismong gumawa nga eh ndi makita, pano ko hahanapin un? saka watak-watak kaya ang mga pds nila. ampf!

tapos naghihintay na lang kmi ng uwian. 5:51 pa ako pwede. 5:47 nang mag-email ang tongeks na pm namin na may batch run ngaung gabi so onsite support na naman ako. aba! tama ba naman un? dumaan ang maghapon walang pasabi tapos kung kelan uwian saka sasabihin. imposible naman na nung oras na un lng nila nalaman na magtatakbo ng batch. syempre pinlano nila un. ano ba naman un magsabi sila ng maaga na nagpaplano magtakbo ng batch ngaun gabi kaya kailangan ng onsite. para naman aware kami. eh hindi eh, 7pm daw ang takbo, mag6 na sila magsabi. mga gago talaga. syempre nasa mindset ko ng umuwi non no! so subukan ba naman ang pasaway na kagaya ko.. alam niyo na kung anong ginawa ko.. hehe.. umuwi pa din ako! hahaha! dali-dali kong niyaya si ge, shutdown ng pc sabay alis. ano kayo sinuswerte? ndi ako aso na pag sinabi niyong stay eh ndi aalis. duh! sayang naman ang pagiging pasaway ko.. =P (anong mail? wala naman akong nabasa ah.. hihihi.)

may nalaman pa ako. hindi sila marunong magbigay ng credit where credit is due. kc may ndi natakbong job. pinacheck ng tl ko. sbi ko ndi natakbo. kontakin ko daw ang operator para maicheck. eh di tinawagan ko. after a few minutes, tumakbo na. tapos nalaman ko na nun nagfollow up pala sa tl ko un may kailangan, sinabi niya na ihahandle na nun isang pm. tapos un pm na un, ang sabi eh pinatakbo na daw niya dun sa mismong tao na tinawagan ko. ayos dba? biglang ndi na ako kasali.. nawala na lang ako sa picture..

ah ewan! tingin ko eto na un sign. sobrang hindi na tlaga ako nag-eenjoy sa pagtatrabaho sa ofc. cguro nga kung gaya sa ibm na wala akong pinoy friends, matagal na akong nagresign. hayup tlga eh. walang kwenta. andami ko ng reklamo. ndi na ako masaya. maybe it’s time to move on…

gtg magbabasa pa ako ng docs about systems programming. magsysprog na lang ako!

Posted by jona at 20:45:00 | permalink | comments[3]

bye bye na

Monday, January 14, 2008

today is the last day of a friend in eds. nung una parang wala lng. hehe. kc last day dapat niya nun friday. kaya lang, biglang may pinagawang work. as in isang buong taon siyang tunganga tapos on his supposed last 2 days eh meron bigla siyang kailangan na tapusin. kaya ayun, pumasok pa hanggang ngayon. (i wont be surprised kung makita ko pa uli siya sa ofc bukas.. haha!) so un despedida namin nun friday, parang simpleng dinner lang. even yun padespedida niya sa condo nila eh parang ala rin.. hehe.. di ko pa feel nun kc nga alam kong papasok pa siya today.

pero kanina, nun naghihintay ako ng oras para makauwi, nalungkot ako. as in. kaya imbes na magpapaalam lng ako dapat sa kanya nun umakyat ako, hinintay ko na siya para sabay kami umuwi. tapos nun umuwi ako sa haus, pinanood ko un ginawa kong presentation for him. medyo naiyak ako. dun ko narealize na talagang mamimiss ko siya. wala na akong kasabay umuwi. wala ng magyayaya sa padi para magmeryenda. wala na akong kabatuhan ng punchline. wala na akong katulong mang-asar. wala ng mangungulit. pero more than everything, i will really miss the friend i have in him. things will be different now kc babalik na siya sa pinas. nalulungkot na talaga ako.

sabi ko before, hindi mapapantayan ng mga friends ko ngaun un friendship ko with my friends in pal. after all, 5 years kaming nagkasama. but then i came to realize, hindi pala un sa tagal ng panahon na nagkasama kau. but on the quality of the friendship na nabuo ninyo. alam ko na kengkoy akong kaibigan, hindi ako un tipong mushy-mushy lalo na pag nakikipag-usap. ganun nga cguro un friendship namin ni mark, more on the cheerful side.. lalo na pag kasama ang eds pinoy family. pareho ata kami, gusto laging masaya. everybody happy. actually para siyang un kumpare ko. boyoyong. makulit. cool. ang tanging weakness lang ay hindi marunong tumanggi, kaya minsan eh naaabuso. kaya nga sobrang sad ako kc mawawalan na naman ako ng clown.. hehe.. joke! mahirap talaga magpaalam sa isang kaibigan. though alam ko that the communication will still remain, iba pa rin ung magkasama kayo sa iisang lugar.

mark, pare.. salamat sa lahat.. salamat sa pagiging isang kaibigan.. salamat sa tiwala mo na magkuwento about sa buhay-buhay mo.. salamat sa mga jokes na kahit minsan corny eh binibili ko pa rin.. salamat sa paghihintay mo sakin pag uwian.. salamat sa meryenda (pero more than that, nagpapasalamat ako sa oras that we spent time together.. yung kulitan, kwentuhan, asaran..).. salamat din sa lahat ng nagawa mo for me. sa sandaling oras na nagkasama tau, i know you’re a good person. kahit na bastos at maniac ka (hehe..), alam kong isa kang mabuting tao. and im thankful na napunta ako sa eds kc i got to know you. i wish you all the best. alam ko na kung sino man ang babaeng magustuhan mo, (at hopefully makatuluyan mo), swerte siya. kc kahit boyoyong ka on the outside, i know that you’re such a wonderful person inside. kaya kapit ka lang.. darating din ang tamang girl for you.. yung mamahalin ka ng totoo. i know you’ll find your happiness kc u really deserve to be happy. intay ka lang. it will come.. in His time.. gudlak pre.. mamimiss talaga kita. kitakits tau pag nasa pinas ako. but for now, bye bye na.

Heto na ang gabi na ikaw ay aalis
At iiwan mo ako
Sa lahat ng gabi ito ang ayaw dumating
Sana ay umaga na

Tatawagan mo pa rin ba ako
Susulatan mo pa ba ako
Tayo pa rin bang dalawa kahit na

Babye na, aalis ka na
Babye na rin ba sa ating alaala

Meron kang makikita mas higit pa sa akin
Pag ika’y malayo na

Tatawagan mo pa rin ba ako
Susulatan mo pa ba ako
Tayo pa rin bang dalawa kahit na

Babye na, aalis ka na
Babye na rin ba sa ating alaala

Wag mong lilimutin na nandito lng ako
Hawak ang larawan mo

Tatawagan mo pa rin ba ako
Susulatan mo pa ba ako
Tayo pa rin bang dalawa kahit na

Babye na, aalis ka na
Babye na rin ba sa ating alaala…

(alam ko na, tatambay na lang ako lagi sa kota raya para ndi kita mamiss.. KRB rules! bwahaha!)

"sensya na pala, tingin ko, ndi ko to masasabi ng personal.. masisira ang image ko.. hehe.. but i meant everything i wrote here. CIAO!"

Posted by jona at 22:23:00 | permalink | Add comment