4give & 4get
Wednesday, October 3, 2007may naalala ako. na pinagsisisihan ko ngaun kung bakit ko pa naalala. nasaktan tuloy ako. oct nga pala ngaun. nakakatawa kasi 2 years na pero may sakit pa rin akong nararamdaman.
sabi nila, para magheal ka, you should learn to forgive and forget.
forgive daw. napatawad ko na ba? mga 80% cguro. di ko masabing totally eh napatawad ko na dahil minsan ay nagpaparinig pa din ako tungkol dun. lalo na pag may napapanood akong pelikula na ganun ang tema. di ko maiwasan eh. parang dun ko lang maibubuhos yun mga sama ng loob na di ko nasabi before. though ngayon eh di na ganun kalalim, parang mga pasaring lang.
forget daw. nakalimutan ko na ba? cguro 80% din. hindi na gaya before na lagi kong naiisip. cguro nagsawa na rin ako sa kakaisip eh. para akong kumukuha ng bato na ipinupukpok ko sa ulo. yun tipong iisipin ko pa with matching emote tapos in the end eh masisira ang araw ko. pero ngayon, hindi na. napagod na cguro ako.
pero nun may movie na ipinalabas last month na ganun ang tema, narealize ko, di ko pa pala kayang manood ng ganun. hindi pa ako handa. parang bumabalik sa alaala ko. nasasaktan uli ako. totoo. weird pero yun ang nararamdaman ko. kaya yun movies na makakarelate ako in that way, iniwasan ko na. hindi naman ako masokista na manonood kahit alam kong masasaktan ako.
hay.. nawala tuloy ako sa mood.. antagal naman ng uwian..
bigla ko tuloy naisip.. naaalala pa din kaya niya?


