Fate brings you together... but it's still up to you to make it happen..

Home » Archives » October 2007

as busy as i can be

Sunday, October 28, 2007

it's been a while. tagal ko na palang di nakapagpost. super busy eh.

last week, i had a bday celebration in 6 years. yes. 6 years na pala mula ng last time akong naghanda on my bday nang may bisita. i really had a good time. thanks to mulay, lucky, ge, mark, jen, arie and cielo for enduring the rain just to attend my party. pero syempre it would never be complete without my family, my loving hubby and my cute baby. thanks for making me feel special not only on my bday but everyday. love u both so much!

un nga lang, after ng saya, waahh! super busy ako last week sa office. tambak na trabaho. nagkasabay-sabay na. kasi tapos na ako dapat sa brp, kaya binigyan ako ng case for fms. naumpisahan ko na ng biglang may ipagawa na naman for brp. inuna ko syempre un brp at natapos ko naman. un nga lang, yun case ko kailangan na daw iload sa friday. so syempre ngarag ang lola mo. friday afternoon, may ipinapagawa na naman for brp. aaahhh!!! as in. 2 days nga akong di nakapag-internet dahil sa sobrang kabisihan. eh despedida pa ni mulay last fri. 2 hours na lunch at more than 1 hour na break nun hapon. syempre ubos ang oras. so i had to come back yesterday sa office para ituloy ang work. medyo tapos na, just need to do some fixes. sana maayos ko agad bukas ng umaga. haaayyy..

got to go.. kailangan ko pa gumising ng maaga para makapasok ng maaga. god bless you all!

Posted by jona at 23:07:00 | permalink | Add comment

4give & 4get

Wednesday, October 3, 2007

may naalala ako. na pinagsisisihan ko ngaun kung bakit ko pa naalala. nasaktan tuloy ako. oct nga pala ngaun. nakakatawa kasi 2 years na pero may sakit pa rin akong nararamdaman.

sabi nila, para magheal ka, you should learn to forgive and forget.

forgive daw. napatawad ko na ba? mga 80% cguro. di ko masabing totally eh napatawad ko na dahil minsan ay nagpaparinig pa din ako tungkol dun. lalo na pag may napapanood akong pelikula na ganun ang tema. di ko maiwasan eh. parang dun ko lang maibubuhos yun mga sama ng loob na di ko nasabi before. though ngayon eh di na ganun kalalim, parang mga pasaring lang.

forget daw. nakalimutan ko na ba? cguro 80% din. hindi na gaya before na lagi kong naiisip. cguro nagsawa na rin ako sa kakaisip eh. para akong kumukuha ng bato na ipinupukpok ko sa ulo. yun tipong iisipin ko pa with matching emote tapos in the end eh masisira ang araw ko. pero ngayon, hindi na. napagod na cguro ako.

pero nun may movie na ipinalabas last month na ganun ang tema, narealize ko, di ko pa pala kayang manood ng ganun. hindi pa ako handa. parang bumabalik sa alaala ko. nasasaktan uli ako. totoo. weird pero yun ang nararamdaman ko. kaya yun movies na makakarelate ako in that way, iniwasan ko na. hindi naman ako masokista na manonood kahit alam kong masasaktan ako.

hay.. nawala tuloy ako sa mood.. antagal naman ng uwian..

bigla ko tuloy naisip.. naaalala pa din kaya niya?

Posted by jona at 16:01:00 | permalink | Add comment