Fate brings you together... but it's still up to you to make it happen..

Home » Archives » 25. September 2007

on my own

Tuesday, September 25, 2007

aaminin ko. nahihirapan ako sa work ko. maraming kailangan malaman pero wala naman nagtuturo. malayo ang kailangang ibyahe pero di rin naman makalipat. hay life.. cuts like a knife.. how will i ever live.. i'm so deeply wounded.. hehe.. kumanta daw ba? tama ba yun kanta ko? hahaha!

well hapon na naman. konting oras na lang at uwian na. konting araw na lang at tapos na ang buwan. malapit na ang sweldo. pero hindi ako excited. kasi andami kong utang na babayaran. wah! eto na at sinisingil na ako ng pagiging pasaway ko. uwi kasi ng uwi sa pinas eh. ayan tuloy. ubos na ang naipon, may pabonus pang mga utang. argh!naisip ko, naka-1 year na ako dito pero andami ko pa din utang. makulit kasi ako. gusto kong umuwi ng umuwi. eto tuloy napala ko.

pero sabagay, madami naman talaga kaming utang bago kami nagpunta dito. hindi lang halata. hehe. though mahigit kalahati na sana ang natapos namin sa 1-year contract ko, eto at dumami na naman. di bale sana kung assured ako ng 1-year contract dito. ang problema eh every 6 months ang renew sa client. hindi kasi sinabi ng ulagang agent ko. had i known, kami na lang sana ng asawa ko ang bumalik dito. at least mas makakatipid, mas makakaipon. eh yun visa pa lang, 676 ang bawat isa. dahil 3 sila (pati na si daddy), RM2028 na lahat yun. wah! ang mahal. tapos yun haus, kami na lang ang magbabayad lahat. kung alam ko lang talaga na 6 months lang ang contract, di ko na sana isinama sina pauline at daddy. minus gastos sa visa nila. tapos lilipat na lang kami ng asawa ko kahit sa small room lang. eh di laking tipid.

pero syempre magsisi man, wala ng magagawa. di ko na pwedeng ibackout yun mga visa. hahanap na lang cguro ako ng boarder para medyo makabawas sa house rent. at higit sa lahat, pagbubutihin ko na lang ang trabaho ko. paano? di ko rin alam. kasi kahit magtanong ako sa TL ko, parang di rin nasasagot ang mga tanong ko. kailangan ko magwork on my own. i need to explore to learn. ngayon kung di ko talaga matutunan, gagalingan ko na lang magpanggap. hahaha! adik! kung ano-ano naiisip ko.

kasi ang hirap talaga. wala naman nagtuturo kung paano. bahala ka sa buhay mo. yun ibang error, nasosolve ko pa. pero pag tungkol sa cobol, phone-a-friend ako lagi. buti na lang, madaming pinoy dito. maraming mapagtatanungan.

teka, bakit ba naiisip ko agad na di ako marerenew. kaya ko to. ako pa! hehe.. malapit na nga ako makaisang buwan eh. =)

Posted by jona at 16:14:00 | permalink | Add comment