Fate brings you together... but it's still up to you to make it happen..

Home » Post Item » programmer ka ba?

programmer ka ba?

Friday, September 21, 2007

friday na naman. yahoo! (pansin niyo ba, lagi akong tuwang-tuwa sa friday? hehe.. dont tell me, kayo hindi.. mga ipokrito!)

no big plans for the weekend. kakatamad lumakad ng walang salapi. antagal pa ng sweldo. argh! buti na lang may ps2 kami, pampalipas oras. saka ipapa-configure ko pa pala yun wi-fi ng laptop ko. kainis. di ako makapag-internet. di kasi ako marunong magconfigure eh.

naisip ko nga, ngayon lang pala ako nagkaroon ng computer. kasi kahit nun nag-aaral ako ng comsci, wala akong pc. buraot lang ako sa friends ko na may pc. syempre dahil matalino ang lola niyo, payag naman sila. basta ako ang gagawa ng kailangan nilang gawin. duh! namiss ko tuloy yun mga overnight namin sa bahay nina tintin sa bulacan. after class, diretso na kami sa cubao. mamimili ng lucky me pancit canton, argentina corned beef at kung ano-anong sitsirya. tapos sakay na ng jeep papunta sa haus nila. kaya lang madudugas ang mga yon. sa umpisa may kasama pa ako sa harap ng computer. pag lumalim na ang gabi, paktay.. unti-unti ng tumatakas ang mga lola. syempre dahil naghahabol ng honor ang lola niyo, no choice kundi tapusin ang dapat gawin. minsan nakahalata cguro sila, nagtake turns sa pagsama sa kin. yun nga lang, nakakaidlip sila, ako walang tulog! haha! nautakan ako ng mga yun ah.. hehe.. pero ok lng. mabait talaga akong kaibigan. =)

kaya wala akong alam sa troubleshooting ng pc. aminado akong tanga ako sa area na yan. ewan ko kung may iba pang programmer na ganun. kung wala na, aba! eh di kaisa-isa pala ako.. =p

Posted by jona at 17:43:00 | permalink

Add a comment