Fate brings you together... but it's still up to you to make it happen..

Home » Post Item » kakapagod this week

kakapagod this week

Friday, September 14, 2007

argh!
hay buhay.. ano ba tong napasukan ko?
una, though hindi ganun kahirap magcobol, andami namang terms na hindi ko alam. yun tipong banggitin mo man sakin ng sampung ulit eh walang meaning.. walang 'recall'.. tapos bukod sa cobol terms eh may banking terms pa. mahirap talaga magshift. kaya lang this is the easiest shift i think i can make. alangan namang magjava ako. parang walang konek sa mainframe. suntok sa buwan naman yun. yun nga lang, tingin ko wrong move na dito ako sa ibang bansa nagshift. dapat ata umuwi muna ako sa pinas at dun nagtraining. i mean kahit isang taon lang. at least may matutunan ako. pero huli na. andito na ako. kasi naman naisip ko dati kung uuwi ako, mababa ang sweldo. eh eto, mataas na ang sweldo. yun nga lang, paktay ako ngayon.. haha!
hayaan mo na.. makakayanan ko din to.. hehe.. kaya lang mukhang ang magpapasuko sakin eh yung byahe. actually may 3 ways para pumasok ako. (1) bus to sentral -> bus to putrajaya -> bus to cyberjaya (RM8/day); (2) bus to sentral -> KLIA express -> bus to Cyberjaya (RM18/day); and (3) bus to sentral -> bus to Cyberjaya (RM2/day + RM213/month). Kung titignan, option 3 ang pinakamadali. eh ang prob, by the hour ang bus. ang alis sa KL sentral ay 745am, 845am, so on. Sa uwian, 615pm, 715pm, so on. Masyadong maaga. Tapos ang byahe would be 1hr 25mins ata. Tuloy-tuloy. Di ako makakatagal ng nakaupo ng ganung oras. Option 2 is next choice kasi ang byahe sa Express is 20mins lang whereas sa bus papuntang Cyberjaya is mga 40mins. every 30mins lang ang dating ng KLIA (same actually ng bus). yun nga lang sobrang mahal! ang monthly pass would be around RM225. eh pag dumating ka ng maaga sa oras, maghihintay ka din. so im left with option 1. mas mura to. kasi may monthly pass para sa lahat ng RapidKL bus na RM80 lang. ang laki ng matitipid ko. yun nga lang, 3 beses akong magtitiyaga at duduguin kakahintay ng mga bulagang bus. 2 gabi na nga ako nakakauwi ng 9pm eh. duh!
sa ngayon, no choice. tiyaga-tiyaga muna.. =(

Posted by jona at 17:45:00 | permalink

Add a comment