Fate brings you together... but it's still up to you to make it happen..

Home » Archives » 07. September 2007

1st week

Friday, September 7, 2007

salamat. friday na naman. nakatapos na naman ng 1 linggo. tungangers pa din. ala pang binibigay na work. kung ano-anong docs lang ang pinapabasa samin.

nga pala, ok dito sa eds. marami kaming pinoy. 10! so di na malulungkot ang lola niyo. ipakilala ko sila sa inyo. si john, kagrupo ko sa over-the-counter na project. galing siya sa accenture, cobol ang expertise. si lucky, gf ni john. dating developer sa accenture (cobol din) pero BA na dito ngayon. BA din sina charm at jen. si charm ay BA na PM as in puro miting.. hehe.. siya daw ang BA namin sa OTC at kinakabahan ako sa tuwing sinasabihan niya kami ng gudlak sa otc.. hehe.. married na with 1 kid pero nasa pinas ang family. si jen, single pa ata. di ko pa masyadong nakakuwentuhan kasi tahimik lang, one time nga eh natulog pa habang nagkukuwentuhan kami over lunch. haha! iba pang developers sina mulay bilang mayora, married with 2 kids pero gaya ni charm, nasa pinas ang family; si willver, look-a-like ni anjo yllana.. hehe.. married with 1 kid, andito naman sa kl ang family niya; si mark, ang bastos, single pa ata dahil nun una ko silang makasama sa lunch tinanong nila ako kung married na ako.. pagsabi kong oo, sinabihan nila si mark na "basted ka agad pre".. hehe; at si arrie, "asset" ang tawag nila dahil daw sa kanyang ass.. hehe.. married and dito din sa kl nagwowork yun wife niya . si maggie, di ko pa alam kung anong linya. di naman kasi sumasabay samin maglunch. kasabay niya si alex (chinese), bf niya ata.

mukha namang hindi magiging boring ang stay ko dito. wish ko lang na wag akong mahirapan sa work. ang contract pala dito ay nire-renew every 6 months (di sinabi ng ungas na agent ko). kaya dapat magpakitang gilas.. hehe.. buti na lang may kagrupo akong noypi, at least may mapagtatanungan ako. user-friendly? hahaha!

nga pala, bawal ang internet dito. as in walang access. pag open mo ng site, hihingi ng username at password. pero syempre dahil pinoy, meron kami. hahaha! di ko lang alam kung san galing. kaya nga kailangan patago lang. iba talaga ang pinoy no? mapamaraan.. hehe..

o cia lunchtime na, sa susunod na lang uli. kung kelan ako sipagin mag-internet. wala pa kasing pakinabang ang laptop ko. walang OS. hahaha! bye! god bless.

Posted by jona at 11:48:00 | permalink | Add comment