Fate brings you together... but it's still up to you to make it happen..

Home » Archives » 31. August 2007

Wowowee Scam

Friday, August 31, 2007

Hindi ko napanood yun live presentation ng Wowowee nun mangyari ang sinasabing 'scam' na ito. Kasi di naman talaga ako nanonood ng Wowowee. Never liked it. Para kasi akong nanonood ng circus. Napanood ko lang ang video sa YouTube. Nun mapanood ko yun, ang tanging tanong na naisip ko ay BAKIT MAY DALAWANG NUMBER SA ISANG WHEEL? ano ang intention nito? is it really intended to cheat? to manipulate the outcome of the game?

alam kong maraming naghihintay ng paliwanag ukol dito. ng kasagutan sa mga tanong na ito. pero walang nagpapaliwanag. nobody seems to care to explain. parang pilit na kinakalimutan ang nangyari. i really admire joey de leon for highlighting this issue. kasi hindi naman to simpleng bagay lang lalo na sa maraming tao na umaasa sa show nila. kasi ang tingin ko talaga, ayaw ng abs na isensationalize ang issue na ito dahil wala silang maibibigay na paliwanag.

kahapon, nagsalita si willie revillame sa wowowee. syempre di ko na naman napanood.. hehe.. ngayon ko lang napanood sa youtube. i dont know what willie is trying here. trying to get some sympathy from the people? hello? the audience are a lot smarter than what you think. bakit kailangan mong ibalik ang nakaraan? bakit lahat ng sinabi mo ay walang kinalaman sa totoong issue? bakit si joey de leon ang tinitira mo? sagutin mo ang tanong ng mga tao. sagutin mo kung BAKIT MAY DALAWANG NUMBER SA ISANG WHEEL? yun lang. di mo na kailangan magdrama. nakakairitang panoorin sa totoo lang. di ko na nga tinapos. kasi parang walang sense. why not stick to the issues. yun lang ang kailangan mong sagutin at ipaliwanag. may nalalaman ka pang, wag hintayin ni joey na mawala ang respeto mo sa kanya. as if he cares! hello? sino ka ba para mag-alala si joey na mawala ang respeto mo? may nalalaman ka pang mga kaso. hello? what has it got to do with this issue? anuvah! haller?

marami na akong nabasa na comments about this. everyone's waiting for your explanation. yun lang. wag ka ng mandamay ng iba para lang magmukha kang kawawa. wag kang maghanap na sisisihin para magmukha kang api. kung ayaw mong tirahin ka, ayusin mo ang ginagawa mo. gaya nga ng sabi ni joey, EXPLAIN BEFORE YOU COMPLAIN.

Posted by jona at 1:36:00 | permalink | Add comment