caught in the middle
Tuesday, August 28, 2007naguguluhan ako. hindi ako makapagdesisyon. hindi ko alam kung kelan kami babalik ng malaysia. sa totoo, hanggang ngayon wala pa kaming booking pabalik dun. di ko talaga alam eh.
una ayokong umuwi ng maaga, yun tipong wala sa plano. kumbaga ang nasa mindset ko nga ay sa sep4 pa kami babalik. kaya lang syempre kailangan ko rin iconsider yun work ko. kaya lang, nun ok na sakin na umuwi ng aug30, wala naman na akong makuhang booking, puro mahal na. sep4 is still the least expensive day to go back(1500 exclusive of tax sa airasia) . but that was only until yesterday. kanina, nun magcheck ako 6K++ na ang lowest fare, wala pa dun ang tax. naging mas mahal pa sa aug30 na booking. i checked cebu pacific. may 2700++ booking pa sila on sep1 (arriving sep2 in KL) pero 2 persons na lang. pwede na sana to. kaya lang di pa kami nakakapag-usap at nakakapagplano ng hubby ko eh nakuha na agad yun isa. so isa na lang ang slot on sep1 na 2700++ lang ang fare.
ewan ko. di ko alam kung ano ba ang gagawin ko. di ko talaga alam…


