Fate brings you together... but it's still up to you to make it happen..

Home » Archives » August 2007

Wowowee Scam

Friday, August 31, 2007

Hindi ko napanood yun live presentation ng Wowowee nun mangyari ang sinasabing 'scam' na ito. Kasi di naman talaga ako nanonood ng Wowowee. Never liked it. Para kasi akong nanonood ng circus. Napanood ko lang ang video sa YouTube. Nun mapanood ko yun, ang tanging tanong na naisip ko ay BAKIT MAY DALAWANG NUMBER SA ISANG WHEEL? ano ang intention nito? is it really intended to cheat? to manipulate the outcome of the game?

alam kong maraming naghihintay ng paliwanag ukol dito. ng kasagutan sa mga tanong na ito. pero walang nagpapaliwanag. nobody seems to care to explain. parang pilit na kinakalimutan ang nangyari. i really admire joey de leon for highlighting this issue. kasi hindi naman to simpleng bagay lang lalo na sa maraming tao na umaasa sa show nila. kasi ang tingin ko talaga, ayaw ng abs na isensationalize ang issue na ito dahil wala silang maibibigay na paliwanag.

kahapon, nagsalita si willie revillame sa wowowee. syempre di ko na naman napanood.. hehe.. ngayon ko lang napanood sa youtube. i dont know what willie is trying here. trying to get some sympathy from the people? hello? the audience are a lot smarter than what you think. bakit kailangan mong ibalik ang nakaraan? bakit lahat ng sinabi mo ay walang kinalaman sa totoong issue? bakit si joey de leon ang tinitira mo? sagutin mo ang tanong ng mga tao. sagutin mo kung BAKIT MAY DALAWANG NUMBER SA ISANG WHEEL? yun lang. di mo na kailangan magdrama. nakakairitang panoorin sa totoo lang. di ko na nga tinapos. kasi parang walang sense. why not stick to the issues. yun lang ang kailangan mong sagutin at ipaliwanag. may nalalaman ka pang, wag hintayin ni joey na mawala ang respeto mo sa kanya. as if he cares! hello? sino ka ba para mag-alala si joey na mawala ang respeto mo? may nalalaman ka pang mga kaso. hello? what has it got to do with this issue? anuvah! haller?

marami na akong nabasa na comments about this. everyone's waiting for your explanation. yun lang. wag ka ng mandamay ng iba para lang magmukha kang kawawa. wag kang maghanap na sisisihin para magmukha kang api. kung ayaw mong tirahin ka, ayusin mo ang ginagawa mo. gaya nga ng sabi ni joey, EXPLAIN BEFORE YOU COMPLAIN.

Posted by jona at 1:36:00 | permalink | Add comment

caught in the middle

Tuesday, August 28, 2007

naguguluhan ako. hindi ako makapagdesisyon. hindi ko alam kung kelan kami babalik ng malaysia. sa totoo, hanggang ngayon wala pa kaming booking pabalik dun. di ko talaga alam eh.

una ayokong umuwi ng maaga, yun tipong wala sa plano. kumbaga ang nasa mindset ko nga ay sa sep4 pa kami babalik. kaya lang syempre kailangan ko rin iconsider yun work ko. kaya lang, nun ok na sakin na umuwi ng aug30, wala naman na akong makuhang booking, puro mahal na. sep4 is still the least expensive day to go back(1500 exclusive of tax sa airasia) . but that was only until yesterday. kanina, nun magcheck ako 6K++ na ang lowest fare, wala pa dun ang tax. naging mas mahal pa sa aug30 na booking. i checked cebu pacific. may 2700++ booking pa sila on sep1 (arriving sep2 in KL) pero 2 persons na lang. pwede na sana to. kaya lang di pa kami nakakapag-usap at nakakapagplano ng hubby ko eh nakuha na agad yun isa. so isa na lang ang slot on sep1 na 2700++ lang ang fare.

ewan ko. di ko alam kung ano ba ang gagawin ko. di ko talaga alam…

Posted by jona at 0:36:00 | permalink | Add comment

anuvah!

Friday, August 24, 2007

bday kahapon ng pamangkin ko. may konting handa. syempre everybody happy. bising-bisi ako sa pagpicture sa mga bata ng tawagin ako ng utol ko, may tawag daw ako sa landline from malaysia. nun una nagtaka pa ako. ah baka yun agent ko kasi naka-off ang fone ko. so akyat ako para kausapin.

aba! agent ko nga. ang bungad ba naman eh kailangan ko na talaga bumalik ng sunday. hello? sinabi ko na ngang hindi pwede eh. (kasi nun wed may email siya na nagconfirm na ang eds na magstart ako sa aug27 pero nireplyan ko nga ng hindi pwede.) kasi nga daw mag-eexpire na ang visa ko. eh sinabi ko naman yun sa kanila bago ako umuwi, ok lang daw. tinanong ko pa nga sa immig nun palabas ako ng kl kung kelan ang latest dapat na balik ko. ang sabi, basta before mag-expire. tapos ngayon tatawagan ako dito para ora-oradang umuwi kasi 1week daw ang processing. duh! sabi ko nga sa kanya eh di sana di na ako umuwi kung ganun din lang pala. pinipilit niya. tapos kinausap ako nun isang admin, 1 week na nga daw ang processing ngayon. so tinanong ko kung kelan ako dapat bumalik. pwede na daw aug30. sabi ko cge ita-try ko. though yun mismong agent ko pinipilit pa din yung sun. dba nakakabadtrip? kung 1 week lang din pala kami dito at hindi makakapagbday dito si pau, eh di sana dun na lang kami nagstay sa kl… ah ewan. basta tumawag pa siya uli. ipinipilit ko na malabo at saka pano yun booking namin? in the end, sinabi niya na i-scan ko na lang mua passports namin. so nakisuyo ako kina aiko para maiscan lang at maisend sa kanya. ngayon wala man lang balita kung ano na nangyari, kung tinanggap ba ng MSC. duh! hay… medyo negative na dating nitong sakin ah.. =(

Posted by jona at 17:23:00 | permalink | comments[1]

been a while…

Monday, August 20, 2007

hay.. its been a while.. dami ng nangyari.. i've already been here in the phils twice this month. i just arrived yesterday, aside from my earlier vacation last aug1. sabi nga ng iba, ginagawa ko lang daw divisoria ang pinas.. hehe.. well ganun talaga.. =p

natuloy kaming umuwi nun aug1. pinuntahan pa nga namin ni paul sa sentul yun dhl para sa ticket makauwi lang, kahit ilang araw lang kami sa pinas. kailangan namin umuwi by aug5 dahil nga aug6 eh magstart na ako sa eds. habang nasa bus from singapore, tinawagan ako ng agent ko. di raw matutuloy yun aug6 na start dahil may inaayos pa daw ang eds. aug8 pa daw ako magstart. duh! nagmamadali pa naman kami umuwi. pero ok lang din kasi makakapagpahinga pa ako bago magstart. but then, tinawagan ako uli nun aug7. next monday (aug13) pa daw ang start. huwaatt?!?!? anak ng pating. sayang ang araw. sana nasa pinas pa kami.

actually medyo kinabahan kami kasi baka hindi confirmed yun work. so that saturday, ni-meet ko ang agent ko. sabi niya confirmed daw kaya lang nagkaproblema sa space, as in physical space. kasi yun project na dapat natapos na eh na-xtend. so andun pa din ang mga pipol. eh 18 daw kami na papasok from my agent so walang mapuwestuhan. waaahh! sayang talaga… tapos sinabi pa niya na kakakausap pa lang niya sa eds at yun monday start eh di pa rin tuloy. baka wed or thu na daw. hayup!

so wala ng magagawa eh. manghinayang man kami, nasa malaysia na kami eh. but then, when tue came, ininform ako na di pa rin tuloy. anu ba to? kinausap ko siya ng masinsinan. he's working on that daw. anak ng pating! 2 weeks na akong walang sweldo! 2 weeks ng he's working on that! tapos eto pa ang malupit. sabi niya.. "i hope you can start by mon or tue". so ibig sabihin di pa rin sigurado. dito ako nag-isip-isip. sayang ang araw na nakatunganga lang kami sa malaysia. imagine, 2 weeks na. nakakabato ha! saka parang ginagago na ko. palipat-lipat.

kaya naisip ko na umuwi na lang muna sa pinas. tutal yun original booking namin na aug19 sa airasia eh di pa naka-cancel (eto yun booking namin pauwi kung di ako narenew). pinag-isipan naming maigi. ang pros and cons. syempre nanaig ang kagustuhan namin na umuwi at magbakasyon. kaya eto, andito uli kami sa pinas.  at least masaya dito. yun nga lang, 1 month ako walang suweldo. waahh!!!

Posted by jona at 10:07:00 | permalink | Add comment