Fate brings you together... but it's still up to you to make it happen..

Home » Archives » July 2007

Last Day High

Tuesday, July 31, 2007

Di ko na pala nakuwento yun nangyari kahapon.
Tinawagan ako ng agent ko para sabihin na pumayag na si PM na irelease ako ng Aug3. Sabi ko kelan ang last day ko? Aug3 daw. Anak ng pating. Sinabi na ngang uuwi ako ng Pinas eh. Sabi ko pwede ba bukas? Kausapin ko daw si PM at balitaan ko na lang siya. Duh! Eh wala si PM, nasa miting ata. Patay kang bata ka.

Lumapit ako kay TL (pagtayo ko, nakita kong dumating na si PM. Hay salamat.).

Ako: PM already said it's ok to release me on Fri. When will be my last day?
TL: On Fri.
Ako: Huh? Can my last day be tomorrow? I will just use my leave.
TL: It's too soon. You have to get clearance.. (etc. etc. kung ano-ano pa sinabi) Maybe you talk to PM.
Ako: Yeah I will talk to her. But she might ask you so Im asking you first.
TL: I dont think it's possible. Talk to her first.

Bumalik ako sa area ko. Huminga ng malalim. Nagdasal. Tumayo uli. Nagpunta kay PM.

Ako: Hi. My agent already talked to you about my release on Fri?
PM: Yes.
Ako: Can my last day be tomorrow?
PM: Huh? It's too soon. By the way, how's you daughter? (concerned din naman pala..)
Ako: She's ok. The earring came off last Wed.
PM: Ah good.
Ako: So how?
PM: Let me talk to TL first, I'll get back to you.

Bumalik ako sa area ko. Huminga ng malalim. Nagdasal. Nauulinigan ko ang pag-uusap nila. Nang biglang tawagin ako ni TL.

TL: Jona..
Ako (lumapit kay TL): Yes?
TL: PM said it really Fri.
Ako: (bumuntung-hininga ng malalim. parang pinagsakluban ako ng langit at lupa nun.) Ok. What do I need to process?
TL: Go to Proj Office and get the forms.
Ako: Ok

Naglakad ako palayo. Mabigat ang bawat hakbang. Eto na yun eh. Abot kamay ko na ang pangarap. Hay.. Life..

Pagbalik ko sa area ko, tinawag ako ni TL. Lumapit ako.

TL: PM said it's ok.
Ako: Huh?
TL: Your last day is tomorrow.
Ako: Really? Wow. Thanks. Thank you.

Di ko alam kung tinawagan ba niya si PM dahil nakita niya ang panlulumo ko nun sabihin niyang di pwede. Or nagbago ang isip ni PM at tinawagan si TL. Anyway it doesnt matter now. Ang mahalaga pumayag na sila.

Bumalik ako sa area ko. Huminga ng malalim. Nagdasal para magpasalamat. God is really good. Prayers are really powerful. Just when I lose hope. Wla akong masabi. Thank you talaga Lord.

So last day ko na ngayon dito. Yahoo! Eto masayang-masaya. Pangiti-ngiti pa ako. Parang akong siraulo. Haha!

Sa wakas.. Malaya na ako!

Posted by jona at 10:48:00 | permalink | Add comment

Preso

Monday, July 30, 2007

To my PM: Anak ng tinapa. Tapusin na natin ang usapang ito. Irelease mo na ako para makauwi ako sa Wed sa Pinas. Utang na loob. Alam naman natin pareho na wala na akong ginagawang makabuluhan. Mahigit isang buwan na siguro. Matutulungan mo pa ang IBM na makatipid. Ayoko na ring magpanggap no!

Mas gusto ko ispend sa Pinas ang ilang araw na natitira bago ako magwork uli kesa maupo at tumunganga dito sa cubicle ko. Duh! I dont care about my salary for the remaining days. Just pls release me.. Let me go.. For I dont like here anymore..

This is not a threat. Ayokong maging pasaway. Kaya kung ayaw mong mag-ala-Scofield ako at tumakas, let's make things easier for us.. Hehe..

Note: Para talaga akong preso dito. Kailangan pa ng release papers. Haha!

Posted by jona at 15:49:00 | permalink | Add comment

bzzzz week…

Friday, July 27, 2007

its been a while. hay kakaloka ang week na to. andaming nangyari.

monday. i had to go home early. nakareceive ako ng txt from my dad saying na nalunok ni pauline yun hikaw niya. ang masaklap yun pointed part at hindi yun pakaw. syempre panic to the max ang lola mo. eh wala ang tl ko that time. tinanong ko sa kagrupo ko at hoping na rin na siya na ang magsabi. tinuro sakin sa conf room. so punta ko. eh pucha miting pala yun, andun din pm namin. so balik ako sa kagrupo ko. sinabi ko na nalunok ng anak ko yun hikaw niya. ang reaction? ala. as in deadma. nun sinabi ko na pakisabi na lang sa tl namin, tumayo. nagpunta sa conf room at tinawag yun tl namin. eh di sinabi ko sa kanya. tinawag naman niya yun pm namin. tinanong ng pm. sinabi ko uuwi ako ng maaga kc nga nalunok ng anak ko yun hikaw niya. mangiyak-ngiyak na ako kasi nag-aalala ako tapos parang wala man lang sense of urgency sa kanila. pumayag naman. so uwi ako agad. dinala namin sa klinik. dapat daw dalhin sa hosp para ma-xray. sa xray, nakita yun hikaw. di naman daw delikado, lalabas din pag dumumi na. pero dalhin daw namin bukas sa pediatric institute para makita din. pag-uwi sa haus, kung ano-ano na ang ipinakain ko sa anak ko, prunes, papaya, pinya, chocolate, di pa rin nakadumi. so kailangan pa rin namin magpatingin bukas.

tuesday. late kami nagising. sabi ng doc kahapon, 8am daw kami magpunta ng pediatric. nakarating ata kami past 10 na. tapos tinignan ang xray. tinanong ko kung delikado. di naman daw. ipa-xray daw uli. tapos yun xray 2pm pa daw. tumawag pa ang agent ko. kausapin daw ako ng eds for mainframe position. sabi ko 3pm patawagin. punta muna kami sa mall. pinakain na naman namin ng pinakain. 2pm na ayaw talagang dumumi. tapos ayaw na din bumalik sa hosp. nagdecide kaming mag-asawa na hintayin na lang muna namin dumumi overnight bago ibalik. nakabalik kami ng haus past 3, sakto lang sa interview. nakaidlip ako ng tumawag ang agent ko. past 4 na. sabi ko di naman tumawag. tawagan daw niya. natulog ulit ako. haha! back to pau, sa kabila ng maraming nakain, wala pa din. so napagkasunduan namin ng asawa ko na pumasok muna sa work, pag di dumumi ng buong araw ng wed, saka ibabalik uli sa hosp. ngayon din nakasched ang interview ko for Amadeus London, 8pm. lumipas ang oras, walang tumawag. paksyet!

wednesday. kakadating ko pa lang sa ofc nun tumawag yun eds. pucha. ala man lang warning. tinanong kung kailan ako pwede mainterview. sabi ko ngayon. tinanong kung anong work ginagawa ko. sinabi ko. tinanong kung marunong ako ng cics. sabi ko konti lang experience ko. ok lang daw kung wala. tapos sabi kung wala daw prob sa cobol. syempre sabi ko wala. kelan daw ako pwede magjoin. sabi ko hanggang aug13 contract ko. sabi daw ng agent ko aug6 pwede na. sabi ko na lang, kasi meron pa akong leave. tapos yun tawagan daw niya agent ko. mga before 12, nagtext si daddy. dumumi na daw si pauline at nailabas na yun hikaw. hay salamat naman. bandang hapon tinanong ko yun agent ko kung kinontak na sila ng eds. oo daw, confirm na yun contract although wala pa yun official confirmation. saka daw niya kakausapin ang ibm regarding sa early release ko. ngayong araw din nakaset yun interview ko sa amadeus (naresched). 8pm. lumipas ang 8pm.. 9pm.. wala pa ring tumatawag. past 9, tumawag yun agent, may mix-up daw. sabi ko, na naman? 1030 daw tatawag yun amadeus kasi nagkaron ata ng miting. mga 1030 tumatawag na. di ko agad sinagot. hehe. mga 11 ko sinagot. wala na akong gana. ticketing role dapat yun pero ang tanong about dcs. ok naman.

thursday. tinanong ko uli si balaji. hinihintay pa rin daw ang confirmation, pupuntahan daw niya ngayong araw. sabi ko bago siya tumawag sa ibm about sa release, sabihan niya ako kasi gusto ko umuwi sa pinas. tumawag na daw siya sa ibm na irelease ako ng aug3 para makapag-umpisa ako ng aug6 sa eds. malabo daw umuwi this time. wah! pero syempre desidido umuwi ang lola niyo. kaya naisip ko na ipaprocess na yun tickets namin via SIN (mahal na kasi either airasia or cebu pacific saka wala pang concrete date). though may prob kasi pinapalitan ko na yun ng MNLKLO dahil nga akala ko tapos na ang lahat. wait ko pa sagot ng hr kung pwede pa ibalik ng MNLSIN.

friday. sumagot na si pam (HR), pwede pa daw ibalik sa MNLSIN. dahil dito, nginarag ko si sherwin para ipaprocess.. salamat win! na process naman at naipadala na thru lbc (though darating pa either july 31 or aug 1). ngayon, yun agent ko naman ang kailangan ko harass-in para makauwi kami. kahit aug1 na, walang prob. ang mahalaga makauwi!

Posted by jona at 16:07:00 | permalink | Add comment

FaT oR nOt?

Thursday, July 19, 2007

never in my wildest dreams did i imagine talking about being fat. i belong to the "blessed" ones who can eat anything and never get fat. but that was before, when i used to live in the phils. when we moved here in malaysia, things became different.

we were at the mall about a month ago when we saw this weighing scale. i almost fainted when i looked at my weight results. 120 lbs! wah! is this true? ako? na umabot lang ng 100 lbs nung buntis at bumalik uli below 100 lbs after manganak? na sinasabihan nilang parang hindi nagbuntis dahil hindi man lang tumaba? mali. may sira ata tong weighing scale na to.

after that incident, we went to the grocery. i immediately looked for the bathroom scale. when i found it, i was a bit scared. and then… wah! 120 lbs nga! ano ba tong mga weighing scale dito?!? puro sira!

i was so shocked. paano nangyari yun? paano ako naging 120lbs? hindi pwede to! aaaaaaahhhhhhh!!! i began analyzing what i was eating. pareho lang naman. 3 beses 1 araw + meryenda. wala ng midnight snack. sa pinas nga kanin pa ang almusal ko, dito madalas tinapay lang. baka mas masustansya ang bigas dito? kaya kahit twice a day lang eh nakakataba? duh!

from that time on, i tried to lessen my rice intake. though im not really used to it. im the "more rice, less dish" type of eater. but then i had to change. it was so difficult. im still trying to follow the less rice rule up to now. though there are times when i really feel hungry, i would eat rice as much as i want.. no matter what my husband comments. haha!

i always say to myself, di naman cguro ako overweight para sa height ko. titignan ko nga sa net bukas yun BMI. but then i always tend to forgot to look for it. not until today. i finally remembered to look for it.  gladly, i found it! and im more glad with the results.. hehe..

Body mass index (BMI) is measure of body fat based on height and weight that applies to both adult men and women.

BMI Categories:

  • Under weight = less than 18.5
  • Normal weight = 18.5-24.9
  • Overweight = 25-29.9
  • Obesity = BMI of 30 or greater

Your Body Mass Index

The Height you entered is 5 feet, 6 inches. The Weight you entered is 120 pounds.

Your Calculated BMI is: 19.4

 

woohoo! so there. from the calculation, i am just a little over the normal and soooo far from being an overweight.

so ano pang hinihintay natin? LaFaNg Na!!!

Posted by jona at 16:20:00 | permalink | Add comment

cHiLdReN

Wednesday, July 18, 2007

Just want to share. Read this somewhere (can't remember.. hehe..). A good read especially if you already have your own children.

Your children are not your children. They are the sons and daughters of Life's longing for itself. They come through you but not from you, And though they are with you yet they belong not to you. You may give them your love but not your thoughts, For they have their own thoughts. You may house their bodies but not their souls, For their souls dwell in the house of tomorrow, which you cannot visit, not even in your dreams. You may strive to be like them, but seek not to make them like you. For life goes not backward nor tarries with yesterday. You are the bows from which your children as living arrows are sent forth. The archer sees the mark upon the path of the infinite, and He bends you with His might that His arrows may go swift and far. Let our bending in the archer's hand be for gladness; For even as He loves the arrow that flies, so He loves also the bow that is stable.

Posted by jona at 14:57:00 | permalink | Add comment