Fate brings you together... but it's still up to you to make it happen..

Home » Archives » 27. February 2007

bali-balita

Tuesday, February 27, 2007

more than a month na pala since my last post. bzzzzzzzzzz eh. honestly, nakalimutan ko na may blog ako. haha! the day after ng last entry ko, loading ng modification namin for electronic ticket. nagkagulo kaya ayun. hanggang ngayon, nagsosolve pa ako ng problems.

pero kahit naman busy, may time pa rin akong subaybayan ang mga balita sa pinas. at eto ang mga pananaw ko.

(1)hot item ngayon ang kris-james-hope issue. magulo. i cant say kung sinong nagsasabi ng totoo. yun kasing angle na obssesed si hope kay james, hindi malayong maging totoo. kahit hindi kaguwapuhan si james, malakas naman ang sex appeal. lalo na at sinasabi ng mga kasamahan ni hope na gusto talaga niya si james (which is pwede ring hindi totoo kasi baka tinakot na sila na mawawalan ng trabaho kung di makikicooperate). BUT im wondering kung bakit hindi mapatawad ni kris si james kung ang isyu lang pala is nilihim ni james na 'nilalandi' siya ni hope (sorry for the term.. hehe.. that's what i can think of now). asawa din ako. kung inilihim sakin ng asawa ko na may lumalandi sa kanya, natural magagalit ako. but not to the point na maghihiwalay kami. so my question is bakit kailangan palayasin ni kris sa bahay si james kung yun lang ang isyu? tapos bakit nitry pigilan ni james ang airing ng interview ni hope sa startalk? well, mas maraming questions kesa answers. pero gaya nga ng sabi ni kris, the only two opinions that matters is her opinion and james'. so lets just respect that. wag ng palakihin ang isyu dahil pamilya nila ang masisira dito. at the end of the day, sila pa rin ang makakapagsabi kung tama ba ang naging decision nila o hindi.

(2) tatakbo ka ba o hindi pacquiao? haha! naalala ko na may entry ako about asking pacquiao not to run. well, yun lang nagdadalawang isip ka, sign na yun na wag mo ng ituloy. yun public service pwedeng gawin kahit hindi ka nakaupo sa pwesto. saka for heaven's sake, congress is a legislative body. they make the laws. hindi sa minamaliit ang kakayahan pero ipaubaya na lang natin to sa mga experienced people. mauubos lang ang pera mo sa kampanya. boksing na lang pre!

(3) eleksiyon fever na naman. duh! lipatan ng partido. mga magkakaaway dati, magkakasama ngayon. pwe! andami niyong arte. aminin natin na iilan lang ang may intensyong magbigay ng serbisyo sa taong bayan. karamihan sa inyo, ang intensiyon eh mangurakot. maawa naman kayo sa mga kawawang nagbabayad ng tax. hindi ba kayo nakukonsensya na yun ginagastos niyo eh galing sa nakaw? sa tingin ko hindi! hahaha!

hay naku. manonood na lang ako ng sana maulit muli tuwing lunch break kesa magbasa ng mga walang wentang balita. argh!

Posted by jona at 15:49:00 | permalink | Add comment