Fate brings you together... but it's still up to you to make it happen..

Home » Archives » January 2007

mga dapat gawin kung walang magawa

Thursday, January 25, 2007

bilang isang programmer, dadating ang time na wala ka talagang ginagawa (ewan ko lang sa iba ha! pero nangyayari kasi sa akin to.. hehe..). hindi dahil sa tamad ka lang at ayaw humingi ng bagong assignment kundi dahil wala talaga silang maibibigay sayo at the moment. sa umpisa, ok lang yun petiks muna. pero pag tumagal na, mabuburyong ka rin. gaya ko ngayon. lahat sila eh isinama sa project at ako ay naiwan sa support. magmimigrate ng buong system kaya sa ngayon eh naiisip ko kung tama bang magstay pa ako dito.. hehe.. siyempre wala ng bagong modifications kasi nga wala na rin namang gagamit nun lumang system in the future. so ang gagawin ko na lang ay maghintay ng problem report at kung sinisipag eh magsolve na lang ng dumps. (argh! eto pa naman ang pinakahate ko. ang magresolve ng dumps. kaya lang, kung wala na talagang magagawa eh no choice, pagtiyagaan na lang.)

anyway, sa kawalan ng magawa, eto ang naiisip kong gawin (at ginagawa ko na ang iba sa ngayon.. hehe..) kung dumating na ang time na wala na talaga akong magawa dito.

1. magbukas ng maraming application pero wag mong imaximize. iresize mo into 1/4 of your monitor at ayusin ng mabuti. yun tipong wala ng makitang space sa monitor mo dahil sa sobrang dami ng nakaopen.
2. maglogin sa system na hinahandle. hintayin na mag-auto logout upang makapag-login uli. gawin ng paulit-ulit.
3. iscroll ang screen. up. down. up. down. kailangan na nagpapalit ang nakikita sa screen mo every 5 mins.
4. tumitig sa monitor habang nakahawak sa ulo. yun tipong sumasakit na ang ulo sa kakaisip. maaari ring ituloy mo na ito sa pagtulog.
5. makipagchikahan sa officemates. sa ngayon eh hindi ko magawa ito dahil nakakapagod.. nakakapagod mag-english!
6. kumuha ng tubig sa pantry. inumin ng dahan-dahan. pag naubos, kumuha uli. ang activity na ito ay mapakikinabangan para sa tip#7.
7. mag-cr ng madalas. maari itong gawin every 30 minutes. kung talagang kinakailangan, pwede ring every 15 minutes kaya lang kailangan gawin ang tip#6 para maging kapani-paniwala. kung may makapansin, sabihin na nagcle-cleansing diet ka.
8. kumain. wag munang pipindot ng mouse o keyboard habang kumakain. manatili lamang na nakatitig sa monitor.
9. magsurf sa internet. siguruhin na hindi mahahalatang ang sinusurf mo ay walang kinalaman sa trabaho.
10. makipagchat. kahit hindi mo masyadong kaclose ay ichat mo na rin. makakatulong din sila sayo.
11. mag-email. i-email mo lahat ng nasa address book mo. siguruhin na magreply sa lahat ng taong magrereply sayo.
12. maglinis ng files sa computer. alisin ang mga mp3 na hindi na pinakikinggan. ayusin ang mga pictures. pwede mo ring paghalu-haluin ang files at ayusin uli by category.
13. ayusin ang mga gamit sa cabinet. itapon ang mga hindi na kailangan.
14. ayusin ang bag. mas malaking bag, mas mabuti.
15. magkunwaring maysakit. magpunta sa nursing room at dun na hintayin ang oras ng uwian.

karamihan ay nagawa ko na at masasabi kong epektibo. gaya ngayon, 2 araw na akong walang ginagawa kundi magpanggap.. hehe..

Posted by jona at 10:54:00 | permalink | Add comment

"ofw material"

Monday, January 22, 2007

"parang ayoko ng maging ofw." eto ang isang bagay na laging nasa isipan ko ngayon. nauna ko tong naisip nung hindi kami nakauwi ng new year's eve. tapos nagkaroon ng pressure sa trabaho. yun tipong kailangan mong solusyunan ang isang bagay na hindi mo alam kung ano ba talaga ang problema. ah basta. dun nag-umpisa yun. nahirapan kasi akong mag-isip. pero nasolusyunan ko na yun. kaya nagtataka ako kung bakit naiisip ko pa rin ang kalagayan ko bilang ofw.

ewan ko. andami kong nami-miss sa pinas. mga kamag-anak, kaibigan, pagkain, lugar.. ultimo tv shows. kahit kasama ko ang pamilya ko, iba pa rin yun nasa pinas ka mismo. kasi andun lahat ng taong mahalaga sayo. alam mong anuman ang mangyari, maraming dadamay sayo. isa pa, mag-isa lang akong pinay dito sa office namin. wala akong masasabi na kaibigan talaga. mag-isa akong magbreakfast, lunch at meryenda sa cubicle ko. madalas nakikipag-usap lang tungkol sa work. nakikipagkuwentuhan man yun isang kagrupo ko, iba pa rin. di gaya dati na pag nabuburyong na ako sa work, mamamasyal lang ako sa cube ng isa sa mga kaibigan ko, ayos na. tapos excited ka pag oras ng kainan kasi alam mong magiging masaya ka kung anuman ang mapagkuwentuhan o mapagtripan niyo. naiiyak tuloy ako. namimiss ko na yung mga kaibigan ko. naiisip ko nga minsan, tama ba tong naging desisyon ko? is it all worth it? malaki nga ang kita ko pero masaya ba ako?

pag ganito na ang takbo ng utak ko, iniisip ko na lang yun dahilan kung bakit ako nag-abroad. para makaipon. para sa anak ko. kaya lang, sa dami ng obligasyon na kailangang bayaran, konti lang ang maiipon namin pagkatapos ng 1 taong kontrata ko. kaya nga gustuhin ko man umuwi na lang, hindi pwede. una, maraming umaasa sakin. ayoko namang biguin sila. pangalawa, ayokong biguin si Lord. Hiningi ko ito, binigay Niya. sabi nga ng asawa ko, hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makapag-abroad. pero higit sa lahat, ayokong biguin ang sarili ko. ayokong bumalik ng pinas na wala man lang akong napala dito. ayokong bumalik ng walang naachieve. gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya kong pangatawanan tong pinasok ko. dati sabi ko sana i-extend ang contract ko para maraming maipon. pero ngayon, iba na. kung i-eextend, ok lang para mas makaipon. kung hindi, ok lang din. tipirin na lang ang naipon. di ko kasi alam kung gusto ko pang magwork sa ibang bansa. iextend man ako dito o lumipat sa ibang lugar.

nagtataka nga ako sa isa kong kaibigan kasi wala na siyang balak bumalik sa pinas. ako kasi, gusto ko pa ring dun magsettle. kahit gaano man kabulok ang sistema sa pinas, para sa akin, andun pa rin ang buhay. natatawa tuloy ako sa sarili ko. dati dasal ako ng dasal para makapag-abroad. ngayong andito na ako, nalulungkot naman ako. isa lang ang masasabi ko. hindi ako "ofw material".
 

Posted by jona at 15:11:00 | permalink | Add comment

im bak!

Wednesday, January 10, 2007

hello.. im back here in KL. kakalungkot kasi ang bilis ng panahon. sabi nga, time flies when you are enjoying yourself. parang ang bilis lang ng 1-week vacation namin. =(

well, maraming kuwento pero next tym na lang. magpapanggap muna ako dito.. hehe.. till next post!

Posted by jona at 14:30:00 | permalink | Add comment

LwOp #1

Monday, January 8, 2007

habang sinusulat ko ang post na ito ay kasalukuyan pa rin akong nasa pinas.. opo.. tama ang inyong nabasa. andito pa rin ako kahit dapat sana ay pauwi na ako ng KL dahil hanggang ngayon lang ang bakasyon ko. wah! di kami nakasakay sa flights kanina. sobrang punuan. kahit yung mga revenue, di rin naaccomodate yun iba. well, wala naman akong magagawa. ganito talaga ang buhay pag libre ang tiket mo. extended tuloy ng 1day ang bakasyon ko. yun nga lang, leave without pay! wah! 

Posted by jona at 17:05:00 | permalink | Add comment