Fate brings you together... but it's still up to you to make it happen..

Home » Archives » 22. December 2006

Argh!

Friday, December 22, 2006

Friday na naman. Huling araw na may pasok bago magpasko. Eto na naman ako sa sentimyentong-pasko-cum-new-year ko. Badtrip kasi tong TL ko. Panira ng bakasyon. Hanggang ngayon ayaw akong payagan na magliv.

Ganito kasi yun. Nun Dec 8, bandang alas tres ng hapon. Nagdesisyon ako na magpaalam na tungkol sa balak kong pag-uwi sa Pinas. Lumapit ako sa kanya.

Ako: Uhm <pangalan niya>, can I take a leave on Dec 27?
Siya: <nag-isip> No. The user will be testing on the 28th. <tinawag ang user> Do you know this mods about ET?
User: No.
Siya: Can you coordinate with ticketing people to test on the 28th?
User: Ok
Siya: Jona, send a memo to the users that UAT for this CSR will be available from Dec 28th to.. <tumingin sa kalendaryo> I'll give them 2 weeks.. to Jan 12.
Ako: Ok. So can I take a leave?
Siya: Just make sure you ready everything for me.
Ako: Ok. <bumalik sa puwesto at nagsend ng memo as instructed>

So may pag-asa pa ako that time. Matapos ko lang ng maayos, walang errors, pwede pang magliv. Kaya lang nitong Tue (Dec 19), tumawag sakin ang user.

User: Hi. I can test next Fri, Dec 29.
Ako: Huh? You want to test on a fri?
User: Why? What's wrong with testing on a fri?
Ako: Uhm nothing. It's ok. <pero sa isip-isip ko: "Hinayupak ka! Byernes na byernes magtetest ka. Tapos ang malupit, patapos pa ang taon at holiday hanggang Jan2. Hayup!">

Maya-maya tinawag ako ng TL ko.

Siya: Did <pangalan ng user> called regarding the testing?
Ako: Yes, he said they will test on the 29th.
Siya: On the 29th? Cannot. Its too late. Why did you scheduled the testing late?
Ako: Huh? You told me to sched on the 28th. (sa isip-isip ko: "Hello? Part ba yan ng pagiging ulyanin?")
Siya: No. I didnt. Its too late. <nag-isip> Ah because you said you go on leave on 20 that's why I sched a week after.
Ako: <with conviction> No I did not. I told you on 27th.
(Ilang minuto pa kaming nagtalo tungkol dito. Pero ipinaglaban ko na hindi ko sinabi yun dahil never ko naman naisip na umuwi before xmas. Duh! Gago to ah! Imbento?)
Siya: Ok. Call the user if they can test this week.

Tumawag ako sa user kung pwede siya this week. Pwede daw siya ng Fri, Dec22. Pero tatawagan daw muna niya ang taga-ticketing kung pwede sila. Anak ng pating! Pwede naman palang magtesting ng mas maaga. Eh di sana, mas sigurado na makakauwi ako. Hindi yung parang nakabitin ako sa ulap at hindi alam kung san liliparin ng hangin. Pero nagsisimula pa lang uling umusbong ang pag-asa kong makauwi ng makatanggap ako ng memo galing sa user:

Dear <ticketing person> as per our conversation the date of our testing will be on the 28DEC 0830HRS KULKJ .

Ha? Ano na naman to? Anak ng pating oo! Pupuntahan ko na sana ang TL ko ng mapansin na dadaan siya sa area ko. Tinignan ko siya ng ano-na-naman-tong-memo-ng-user-na-28-na-magtetest. Pero sinagot lang niya ng:

"We have no choice. I'll talk to them to adjust the agreed completion date." 

Put*#$&(&!*!@! Ano bang balak niyo? Ayusin niyo nga mga buhay niyo!

Pero ng mahimasmasan ako, saka lang nag-sink in sa akin ang ibig sabihin nun. Hindi na ako makakauwi!!! Wah!!! Huhuhu.. =( Sobrang lungkot ko nun. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Ahhh! Eto ba ang kapalit ng lahat? Pero nun pauwi ako ng bahay, nakaisip na naman ako ng paraan. Pwedeng sa 31 mismo kami umuwi. Malabo yun 30 kasi dun pa lang mag-uuwian ang mga tao. Mas may pag-asa ang 31 dahil syempre kung magbabayad ka sa eroplano, gusto mo nasa bahay ka ng mas maaga. Ibinalita ko ito sa asawa ko at sa daddy ko. Ok naman daw sa kanila. Sabi ko kung di kami makasakay ng 31, pwede pa kaming bumalik sa KL o maki-bagong taon sa Singapore. So magliliv na lang ako after ng new year, sa Jan3.

Sumunod na araw, Wed, nagkasakit ako. Sobrang sakit ng ulo ko at sobrang sama talaga ng pakiramdam ko. Feeling ko nagkasakit na ako dahil sa stress at sobrang pag-iisip para makauwi ng pinas. Buti na lang at wala ang TL ko. Petiks lang ako maghapon.

Kahapon (Thu), naisip kong magsabi na sa TL ko. Now or never. Kailangan ko ng malaman kasi napapagod na ang utak ko. Mga past 5, lumapit ako sa kanya. Nagliligpit na pala siya ng gamit para umuwi.

Ako: Uhm <pangalan niya>, can I just take my leave on Jan?
Siya: Ah don't confuse me now.
Ako: On Jan 3?
Siya: Dont confuse me now. Talk to me tomorrow. <habang nishu-shutdown ang thinkpad niya>
Ako: But I have to file it.
Siya: When?
Ako: Latest would be next week.
Siya: Ok. Talk to me tomorrow.
Ako: Ok. <bumalik na sa area ko>
Siya: <pahabol> It is still conditional on the UAT.
Ako: Ok. <mangiyak-ngiyak na, nawawalan na ng pag-asa>

So ayun. Hanggang ngayon, wala pa ring sign kung makakauwi ba kami. Tapos habang sinusulat ko to, bigla akong tinawag ng TL ko. Yung isa pang mods ko, baka masched ang implementation sa 1st week ng January. So lalong lumabo ang chances ko. Naisip ko tuloy, dapat na ba akong mag-give up? Hindi. Ayaw kong isuko na lang ng basta-basta. Naisip ko nga na umuwi ng 31 tapos bumalik na lang agad. Mag-MC na lang sa Jan 3 para medyo matagal naman ako sa Pinas. Hay. Ewan. Bahala na.

 

Posted by jona at 11:12:00 | permalink | Add comment