Fate brings you together... but it's still up to you to make it happen..

Home » Archives » December 2006

im coming…

Friday, December 29, 2006

yahoo! uuwi na ako! pinayagan na rin ako sa wakas. though di natapos ang user testing namin, sa wakas, pumayag na rin ang TL ko. so legal na ang uwi ko at di na kailangan maging pasaway. mabait talaga si Lord.Ü

yipee! excited na ako. namili na kami ng pasalubong kahapon para sa mga kamag-anak, kaibigan, ilang kakilala (medyo mahal nga ang inabot.. hehe.. pero ok lang, ang mahalaga uuwi na kami). mamaya mag-eempake na ako. ilang bag kaya ang dadalhin namin? ilang damit nga pala ang kailangan para sa 1-week na bakasyon? sana wala akong makalimutan..

yehey! sobrang saya ko. tingin ko maluluha ako pag nakita ko ang relatives at friends ko. sobrang nalungkot talaga ako na dito kami nagchristmas. iba talaga ang paskong pinoy. yan lang ang masasabi ko. kaya tuwang-tuwa ako na makakauwi kami for the new year (ramdam niyo ba? =p ).

woohoo! manila, manila… im coming back to manila.. simply no place like manila.. manila im coming home!

HaPi NeW yEaR sA iNyOnG lAhAt…
God bless..

Posted by jona at 15:51:00 | permalink | Add comment

Argh!

Friday, December 22, 2006

Friday na naman. Huling araw na may pasok bago magpasko. Eto na naman ako sa sentimyentong-pasko-cum-new-year ko. Badtrip kasi tong TL ko. Panira ng bakasyon. Hanggang ngayon ayaw akong payagan na magliv.

Ganito kasi yun. Nun Dec 8, bandang alas tres ng hapon. Nagdesisyon ako na magpaalam na tungkol sa balak kong pag-uwi sa Pinas. Lumapit ako sa kanya.

Ako: Uhm <pangalan niya>, can I take a leave on Dec 27?
Siya: <nag-isip> No. The user will be testing on the 28th. <tinawag ang user> Do you know this mods about ET?
User: No.
Siya: Can you coordinate with ticketing people to test on the 28th?
User: Ok
Siya: Jona, send a memo to the users that UAT for this CSR will be available from Dec 28th to.. <tumingin sa kalendaryo> I'll give them 2 weeks.. to Jan 12.
Ako: Ok. So can I take a leave?
Siya: Just make sure you ready everything for me.
Ako: Ok. <bumalik sa puwesto at nagsend ng memo as instructed>

So may pag-asa pa ako that time. Matapos ko lang ng maayos, walang errors, pwede pang magliv. Kaya lang nitong Tue (Dec 19), tumawag sakin ang user.

User: Hi. I can test next Fri, Dec 29.
Ako: Huh? You want to test on a fri?
User: Why? What's wrong with testing on a fri?
Ako: Uhm nothing. It's ok. <pero sa isip-isip ko: "Hinayupak ka! Byernes na byernes magtetest ka. Tapos ang malupit, patapos pa ang taon at holiday hanggang Jan2. Hayup!">

Maya-maya tinawag ako ng TL ko.

Siya: Did <pangalan ng user> called regarding the testing?
Ako: Yes, he said they will test on the 29th.
Siya: On the 29th? Cannot. Its too late. Why did you scheduled the testing late?
Ako: Huh? You told me to sched on the 28th. (sa isip-isip ko: "Hello? Part ba yan ng pagiging ulyanin?")
Siya: No. I didnt. Its too late. <nag-isip> Ah because you said you go on leave on 20 that's why I sched a week after.
Ako: <with conviction> No I did not. I told you on 27th.
(Ilang minuto pa kaming nagtalo tungkol dito. Pero ipinaglaban ko na hindi ko sinabi yun dahil never ko naman naisip na umuwi before xmas. Duh! Gago to ah! Imbento?)
Siya: Ok. Call the user if they can test this week.

Tumawag ako sa user kung pwede siya this week. Pwede daw siya ng Fri, Dec22. Pero tatawagan daw muna niya ang taga-ticketing kung pwede sila. Anak ng pating! Pwede naman palang magtesting ng mas maaga. Eh di sana, mas sigurado na makakauwi ako. Hindi yung parang nakabitin ako sa ulap at hindi alam kung san liliparin ng hangin. Pero nagsisimula pa lang uling umusbong ang pag-asa kong makauwi ng makatanggap ako ng memo galing sa user:

Dear <ticketing person> as per our conversation the date of our testing will be on the 28DEC 0830HRS KULKJ .

Ha? Ano na naman to? Anak ng pating oo! Pupuntahan ko na sana ang TL ko ng mapansin na dadaan siya sa area ko. Tinignan ko siya ng ano-na-naman-tong-memo-ng-user-na-28-na-magtetest. Pero sinagot lang niya ng:

"We have no choice. I'll talk to them to adjust the agreed completion date." 

Put*#$&(&!*!@! Ano bang balak niyo? Ayusin niyo nga mga buhay niyo!

Pero ng mahimasmasan ako, saka lang nag-sink in sa akin ang ibig sabihin nun. Hindi na ako makakauwi!!! Wah!!! Huhuhu.. =( Sobrang lungkot ko nun. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Ahhh! Eto ba ang kapalit ng lahat? Pero nun pauwi ako ng bahay, nakaisip na naman ako ng paraan. Pwedeng sa 31 mismo kami umuwi. Malabo yun 30 kasi dun pa lang mag-uuwian ang mga tao. Mas may pag-asa ang 31 dahil syempre kung magbabayad ka sa eroplano, gusto mo nasa bahay ka ng mas maaga. Ibinalita ko ito sa asawa ko at sa daddy ko. Ok naman daw sa kanila. Sabi ko kung di kami makasakay ng 31, pwede pa kaming bumalik sa KL o maki-bagong taon sa Singapore. So magliliv na lang ako after ng new year, sa Jan3.

Sumunod na araw, Wed, nagkasakit ako. Sobrang sakit ng ulo ko at sobrang sama talaga ng pakiramdam ko. Feeling ko nagkasakit na ako dahil sa stress at sobrang pag-iisip para makauwi ng pinas. Buti na lang at wala ang TL ko. Petiks lang ako maghapon.

Kahapon (Thu), naisip kong magsabi na sa TL ko. Now or never. Kailangan ko ng malaman kasi napapagod na ang utak ko. Mga past 5, lumapit ako sa kanya. Nagliligpit na pala siya ng gamit para umuwi.

Ako: Uhm <pangalan niya>, can I just take my leave on Jan?
Siya: Ah don't confuse me now.
Ako: On Jan 3?
Siya: Dont confuse me now. Talk to me tomorrow. <habang nishu-shutdown ang thinkpad niya>
Ako: But I have to file it.
Siya: When?
Ako: Latest would be next week.
Siya: Ok. Talk to me tomorrow.
Ako: Ok. <bumalik na sa area ko>
Siya: <pahabol> It is still conditional on the UAT.
Ako: Ok. <mangiyak-ngiyak na, nawawalan na ng pag-asa>

So ayun. Hanggang ngayon, wala pa ring sign kung makakauwi ba kami. Tapos habang sinusulat ko to, bigla akong tinawag ng TL ko. Yung isa pang mods ko, baka masched ang implementation sa 1st week ng January. So lalong lumabo ang chances ko. Naisip ko tuloy, dapat na ba akong mag-give up? Hindi. Ayaw kong isuko na lang ng basta-basta. Naisip ko nga na umuwi ng 31 tapos bumalik na lang agad. Mag-MC na lang sa Jan 3 para medyo matagal naman ako sa Pinas. Hay. Ewan. Bahala na.

 

Posted by jona at 11:12:00 | permalink | Add comment

… xmastime …

Wednesday, December 13, 2006

12 days til Christmas.

Sad ako kasi di ako makakapagspend ng xmas sa pinas. Konti lang kasi ang leave ko. Tapos yun plan namin na umuwi for new year, medyo tagilid pa. Di pa ako pinapayagan ng TL ko kasi testing nun mods na ginawa namin. Hay, ewan ko ba naman kasi kung bakit magsched ng testing eh end of the year. Tapos holiday pa until Jan 2. Kung ikaw ba ang user, magtetest ka ba nun? Well, no choice dahil part talaga to ng pagiging OFW.

Good thing, feel mo pa rin kahit papaano ang xmas season dito, lalo na sa mga malls. Kanya kanyang decor. Palakihan, padamihan at pabonggahan ng xmas trees. Meron din xmas shows. Pero iba pa rin ang pasko sa pinas. Di ko nga alam kung may simbang gabi din ba dito. Pero meron naman midnight mass sa 24th. Hay.. gusto ko ng magbakasyon..

Enweis, here are some pics taken sa mga mall dito.

   Photobucket - Video and Image Hosting       Photobucket - Video and Image Hosting       Photobucket - Video and Image Hosting

   Photobucket - Video and Image Hosting       Photobucket - Video and Image Hosting       Photobucket - Video and Image Hosting      

   Photobucket - Video and Image Hosting       Photobucket - Video and Image Hosting       Photobucket - Video and Image Hosting 

   Photobucket - Video and Image Hosting       Photobucket - Video and Image Hosting       Photobucket - Video and Image Hosting

   Photobucket - Video and Image Hosting       Photobucket - Video and Image Hosting       Photobucket - Video and Image Hosting

                                     Photobucket - Video and Image Hosting

Posted by jona at 10:18:00 | permalink | comments[1]

aBnO oR nOt…

Friday, December 8, 2006

hay salamat.. friday na naman.. eto talaga ang fave kong araw ng linggo.. 2 hours ang lunchbreak.. maagang umuuwi ang mga tao so kahit late ka pumasok, di na mapapansin.. syempre, walang pasok kinabukasan. mahaba-haba ang bakasyon this weekend. walang pasok sa monday dahil bday ng sultan. (o laban kayo!)

pag friday, kakatamad ng magtrabaho. buong linggo ka na kasing nagwowork so pag fri, pagod na ang utak mo. kaya ang philosophy ko, dapat petiks lang ako. ayoko ng i-stress masyado ang sarili ko. kaya hangga't maaari, iniiwasan ko ang TL ko para hindi niya ako mahingan ng status update.. wehehe.. saka kung mapapansin niyo, karamihan ng entries ko ay nipost on a fri (dahil nga tamad akong magwork.. haha!)

kaya eto, part ng pagiging petiks, sinubukan kong alamin kong normal ba akong tao.

You Are 45% Normal
While some of your behavior is quite normal… Other things you do are downright strange You've got a little of your freak going on But you mostly keep your weirdness to yourself

How Normal Are You?

at para mapatunayan kung tama ba ito, inalam ko na rin kung gaano ako ka-aBnOy. hehe..

You Are 52% Abnormal
You are at medium risk for being a psychopath. It is somewhat likely that you have no soul. You are at high risk for having a borderline personality. It is very likely that you are a chaotic mess. You are at medium risk for having a narcissistic personality. It is somewhat likely that you are in love with your own reflection. You are at low risk for having a social phobia. It is unlikely that you feel most comfortable in your mom's basement. You are at medium risk for obsessive compulsive disorder. It is somewhat likely that you are addicted to hand sanitizer.

How Abnormal Are You?

"While some of your behavior is quite normal…" - So most of my behaviour is abnormal?!?!? Duh!

"You mostly keep your weirdness to yourself" - I dont think so. Minsan, kahit alam kong weird, ginagawa ko pa rin..  wa ako care kung may ibang tao o wala. Hehe..

"You are at medium risk for being a psychopath. It is somewhat likely that you have no soul." - Gago to ah. Wala daw akong kaluluwa! Aba!

"It is somewhat likely that you are addicted to hand sanitizer." - Ah eto ang isang malaking kalokohan. Yung hand sanitizer na regalo sakin last xmas, ni hindi pa nangangalahati.Ü

hahaha! naisip ko kanina, pag di nagtally ng 100%, niloloko lang ako nito. pero dahil close to 100%, naniniwala tuloy ako. sabi ko na nga ba at mas lamang ang aBnO personality ko eh. (kaya pala lagi akong tinatawag na abno ng asawa ko.. hehe..)

Posted by jona at 12:05:00 | permalink | Add comment

baby dwayne

Friday, December 1, 2006

this morning, i got a bad news from a friend. janis, lloyd's wife, who is 5-months pregnant had a miscarriage. i really felt sad after hearing the news. dwayne should have been their first born. being a mom myself, i feel so sad for janis. i know it will really hurt her so much. losing a love one is not easy. especially if it's someone whom you haven't seen. haven't touched. haven't shown affection. but only God knows why. and in time, the reason behind all these will be revealed in one way or another. there will be so many what if's. but all these will be answered at the right time.

to lloyd and janis, just keep your faith. everything happens for a reason. maybe it's not yet time. just pray.

to baby dwayne, you might not have seen this world but the place up there maybe a better place for you to stay.

Posted by jona at 14:18:00 | permalink | Add comment