Fate brings you together... but it's still up to you to make it happen..

Home » Archives » 29. November 2006

kAtAkAwAn

Wednesday, November 29, 2006

hay.. tinatamad pa rin ako. kahapon, nagblog hopping lang ako. may dapat gawin ngunit sadyang wala ako sa mood. wala kasi ang TL ko, kaya pwedeng petiks muna. pagbalik niya, saka na ako magkukumahog. :-p

habang namamasyal ako kahapon, may nabasa akong entry about pinoy foods. bigla kong naisip yun mga namimiss ko ng kainin. ang pangit kasi ng pagkain dito. (one time may lunchout kami sa isang local restaurant, wah! isinusumpa ko ang araw na yun. hindi na ulit ako sasama sa ganung lunchout kahit treat pa ng managers. duh!) walang-wala sa pagkaing pinoy.

buti na lang at nakakapagluto kami sa bahay ng pinoy na ulam. at least, di ko masyado nami-miss ang sinigang, nilaga, tinola, adobo at bistek. saka nun isang araw, nakapagluto kami ng pansit bihon. pero gusto ko ng lumpiang shanghai, kare-kare, crispy pata, lechon kawali, tuyo, biko, suman at iba pang kakanin, palabok, banana que, turon, lugaw, tokneneng, saging con yelo, purefoods hotdog, isaw, ulo ng manok, adidas, bituka, indian mango, boy bawang, clover chips, piattos, vcut.. hay.. nakakagutom..

eto naman yung hinahanap kong pagkain sa fastfood/restaurants:
1. kare-kare, sisig, green mango salad, crispy pata sa gerry's
2. chocolate mousse ng red ribbon
3. ensaymada sa goldilocks
4. chickenjoy, spaghetti sa jollibee (nakakain ako nito nun umuwi ako pero gusto ko pa rin)
5. hot and spicy chicken sa kfc (di masarap yun sa kfc dito)
6. bacon cheeseburger pizza sa pizza hut (puro chicken ang topping ng pizza dito)
7. burger sa brother's burger
8. teriyaki chicken sa teriyaki boy
9. spaghetti at hawaiian pizza sa greenwich
10. lunch combo sa shakey's
11. halo-halo ng razon's
12. barbeque ng ineng's
13. pasta sa sbarro
14. pizza ng yellow cab
15. chicken at pancit sa max's
16. beef tapa sa tapa king
17. tocilog, bulalo sa pares
18. tempura, green mango salad sa dampa
19. tempura, chili crab sa seaside
20. pansit ng Leoj (hahaha! fave to ng DCS..Ü)

pero eto talaga ang namimimiss ko. San Mig Light! Badtrip naman kasi. Bakit walang san mig dito?!?!?! Hmp!

hay.. sana pasko na para makauwi na ako ng pinas.. ay mali! after pa pala ako ng pasko makakauwi. konti lang liv ko eh. (saka magtatago na rin.. hehehe…)

 

Posted by jona at 12:10:00 | permalink | Add comment