the grand finale
Tuesday, November 21, 2006dahil hot as in hot pandesal pa rin ang balitang ito, nagdecide na akong makisali.. hehe.. well, gusto ko din ishare ang insights ko about this fight. wala lang, baka gusto niyo lang malaman.Ü (eto ay pawang kuro-kuro ko lamang. walang motibo na may masaktan o masagasaang panig. blog ko to eh!)
much anticipated. ito na yata ang best phrase to describe the fight. hinintay at inabangan hindi lang ng mga Filipino kundi maging ng boxing afficionados all around the globe. syempre, eto na ang deciding na laban. kumbaga, wala ng makakapagsabi kung tsamba lang ang nakaraang mga panalo. kung minalas o sinuwerte lang ang magkabilang panig. sabi nga, this is it!
pay per view. nung una, nalulungkot na ang daddy ko at si paul dahil akala namin ay hindi ito maipapalabas dito sa Malaysia. Una, kilala kaya nila si Pacquiao? O kaya si Morales? Pangalawa, alam kaya nila kung ano ang boxing? Hahaha! Kasi naman, soccer country ito so malay ko kung trip din nilang manood ng boxing. Anyway, to make the story short, may offer ang cable provider namin for this fight, pay per view nga lang. pero dahil nga sa hindi nila kilala ang 2 at di sila mahilig sa boxing, mura lang. RM40, around Php 600 lang. (I wonder kung magkano ang pay per view sa Pinas.. hmmm…). So nagsubscribe na rin kami. Good thing, may nayaya yun hausmate namin na mga Pinoy din na makinood at syempre, makishare sa bayad.. Hehe.. Mga RM15 na lang ang babayaran namin. =p
main event. wag na natin patagalin to. hahaba na naman ang blog ko. syempre, kantahan ng national anthem. dito pa lang medyo patalbugan na. at gladly, sarah did her part by singing the Phil national anthem well. then came the entrance of the fighters. una si morales. ang di ko lang magets, bakit kailangang kasama pa si rey mysterio (sa mga hindi nakakaalam, isa po siyang mexican wrestler)? Duh! makisabit pa ba sa publicity? naisip tuloy ng husband ko na dapat isinama din ni pacquiao si batista (isa ring wrestler na may dugong pinoy daw). hala! ano ba ito? boxing o wrestling? anyway, ang background ni morales habang pumapasok ay isang mexican chant or song ata. so eto na. moment na ni Pacquiao. pagkarinig ko ng background, nalaglag ako sa upuan. hahaha! hahaha! hahaha! hindi ko napigilan ang matawa ng matawa. sobrang cool. "laban mo, laban ko.. laban natin ito.." well, this is his very own song from his very own album. naalala ko tuloy si april boy of the "di ko kayang tanggapin" fame.. hehehe.. (excuse me lang sa pacquiao fans, both in boxing and music industry. jologs talaga ang dating sakin eh. at saka blog ko to. gumawa kayo ng sarili niyo. peace! =P ) hay umpisahan na nga natin sa mismong laban. hanggang ngayon, di ko pa rin makayanan eh. natatawa pa rin ako.
round 1. walang masyadong pangyayari. parang warm up lang.
round 2. dito ko napatunayan ang tigas, lakas at utak ni pacquiao. tigas dahil nasuntok siya sa mukha ni morales pero wala lang. parang hello? puro muscle mukha ko no! na-amaze talaga ako na hindi man lang niya ito ininda. lakas dahil nakaya niyang makipagsabayan ng suntok. as in parang suntukang bara-bara. para nga akong nanonood ng away sa kanto habang nagpapalitan sila ng suntok. which is sa palagay ko, maling diskarte ni morales. kasi sanay si pacquiao sa ganun. i mean filipino yan eh, alam ang away-kanto. eh si morales? tingin ko nga hindi yan pinapalabas ng nanay niya nun bata pa para makipaglaro.. hehe.. utak. grabe, mautak talaga si pacquiao. pinabayaan niyang suntukin siya ng suntukin ni morales (syempre, umiilag din naman siya no!) at nang makakita ng pagkakataon.. pow! yun na lang ang narinig ni Erik. binigyan siya ng kaliwa ni pacman na nakapagpatumba sa kanya. Pero siyempre, hindi pwedeng ganun na lang. Tumayo siya ang nakipagpalitan ng suntok kay pacquiao. Pagtunog ng bell, nagkairingan pa ang 2 bago magpunta sa kani-kanilang corner. (ayos! gumaganda ang laban!)
round 3. no one expected na matatapos ito sa round 3 (aminin nating lahat ito). nun matumba si morales sa round 2, i knew it would be a short fight. kasi kahit paano eh nakakawala ng kumpiyansa yun pagkatumba niya. ang tagal mong naghanda tapos round 2 lang eh napaupo ka na. duh! saka it shows na mahina na si erik. hindi niya kaya si manny. pero ni hindi ko naisip na isang round na lang pala. (aba! sayang ang pay per view!) but then, no one can stop pacquiao that time. sa dami ng suntok na pinakawalan niya, hindi ko alam kung ilang beses tinamaan si morales at kung saan-saan. pacman was really in the mood to finish the fight early. kaya hindi nakapagtataka na 3 beses pang tumumba si morales. and on the third time, the fight was declared to be over.
sa totoo lang, seeing morales the third time he fell, naawa ako sa kanya. para siyang nawala sa sarili. as in yun tipong nagkaamnesia. 'asan ako? sino kayo?' hindi ko alam kung dahil sa sobrang lakas ng suntok ni pacman at nahilo siya talaga or dahil hindi siya makapaniwala sa nangyari. kasi in the interviews before the fight, he was claiming na kaya niyang tumagal. but I really admire him for accepting defeat that early. it was not easy considering he was on training for several months. pero sabagay, alam na niya na hindi niya kaya, bakit hahayaan pa niyang mabasag ang mukha at masaktan ang katawan niya? i think it was also a wise decision.
morales' boxing career may or may not end here. but in my opinion, there's nothing wrong if he decides to retire. being defeated 4 out of the last 5 times you fought is clearly not a good sign. anyway, marami na naman siyang pera no!
for pacquiao, there's a lot in store. but there is really one thing I hope he would not do. do not run for public office please. hindi pa man, eh ginagamit na nga siya ng mga pulitiko. pwede pa naman tumulong sa ibang paraan. i know he has a very good chance of winning. but the admiration he gained from the people might also be lost once he's there. i really really hope not to see the "People's Champ" enter the very, very, very dirty world of politics.


