Fate brings you together... but it's still up to you to make it happen..

Home » Post Item » Flight Plan cum The Terminal

Flight Plan cum The Terminal

Wednesday, November 8, 2006

Have you watched the movie 'The Terminal' of Tom Hanks? Ako kasi hindi. Pero alam ko kung ano ang istorya. Eh yung 'Flight Plan' ni Jodie Foster? Ayun, napanood ko yun.  Ano bang kinalaman nito sa blog ko about sa pag-uwi namin ng Pinas? Well…

As an intro, natuloy akong umuwi ng Pinas last weekend with my husband. Everything was ok nun pauwi kami ng Pinas. Nagbus kami from Kuala Lumpur to Singapore. Sinundo kami ni Kuya Andy sa bus station. Kumain kami sa Burger King sa Changi Airport. At naka-check in at nakasakay kami sa PR503. Pagdating sa Manila, nagtaxi kami pauwi. Sobrang trapik saka sobrang init! Mga 2pm na yun. Pero nakakatuwa na makakita uli ng jeep at tricycle.. hehe..

Pagdating namin sa haus, nakita namin agad si Pauline. Nasa kalsada at naglalaro. Wala namang iyakan na naganap. But the feeling was damn so great! Ibang klaseng kaligayahan ang naramdaman ko when I hugged and kissed my daughter again after almost 3 months (*hikbi*). Tapos nakakatuwa kasi ramdam ko na namiss niya din kami. Lagi lang siya nakakandong sa akin, nagkukuwento ng kung ano-ano.

Wala din naman akong masyadong nagawa sa Pinas. Umuwi kami ng bulacan ng Sat night para kunin yun ibang gamit dun. Lumuwas kami back to Manila, Sunday afternoon. Nagsimba. Nagmall at kumain sa julibi.. Hehe.. Isang friend lang nakita ko, si Gelo, kasi kinuha ko yun tiket. Di man lang din ako nakapagtext sa mga friendships ko sa Pinas. Sensya na talaga at super bilis lang ako andyan. Sunday night na ako nagempake ng gamit ni Pauline, alas12 na ata yun. Nakatulog ako 2am na. Gumising ng 5am para maghanda na sa pag-alis. Nun naliligo ako, bigla akong nakaramdam ng lungkot. Nakakalungkot kasi iba pa rin talaga sa Pinas. Iba yun kasiyahan. Pero kailangan ko uli umalis.

Late na kami nakaalis ng haus. Tinopak pa kasi si Pauline. Natulog na kasi mga 0130am, so nun ginising ko ng 0530am, umiiyak. Nakaalis kami ng haus 0630 na ata. 0830 ang flight. At least 0730, dpat andun na kami. Dumating kami 0745 na. Buti na lang bukas pa ang check-in counter. Andun pa kami sa counter ng ilagay niya yun sign na closed na. Good. Sakto lang. Then punta kami sa Immigration. Kinuha ko yun ballpen sa plastic envelope na dala namin kung san nakalagay yun call letter nina Pauline at Daddy para makapasok sila sa Malaysia. Nagsulat ako sa forms. After nun, pinapirma ko sina Daddy at Paul. Inayos ko yun passport at form then binigay ko sa kanilang 2 yun para sa kanila, hawak ko yun sa amin ni Pauline. After ng Immigration, body frisking uli at baggage check. Ok naman lahat. Then boarding na. Nakaupo kami sa row71 nang lapitan me ng FA kung gusto namin lumipat sa may window seat para kay pauline. Lumipat kami. Nagpicturean pa. Nagmuni-muni ako. Nang  bigla kong maisip yun call letter. Passport lang ang nasa handbag ko. Wala sa handcarried baggage namin. Wala din sa unang inupuan namin. Dun ako nag-umpisang magpanic. Di kami makakatuloy sa Malaysia ng wala yun. Dito na nagsimula ang mala-flight plan na adventure ko. Ang kaibahan nga lang, document lang yun hinahanap ko at hindi ang anak ko. Inapproach ko yun FA and asked kung door closed na. Sabi niya, oo daw, pushback na. Patay! Sabi ko may naiwan kaming document sa may counter.  Takbo kaming 2 ng FA sa cockpit para sabihin kay Captain. Kaya lang ang sabi ni Capt, with a firm voice, 'ipadala na lang sa susunod na flight'. Natuliro ako. Natulala. Nawala sa sarili. Sayang na nakaabot kami sa morning flight kung hihintayin namin ang afternoon flight para makuha yun. Mahal mamuhay sa Singapore. Wah! So bumalik na ako sa upuan ko. Dun namin inumpisahang irecall. Last time nga na nakita ko yun envelope was nun kunin ko yun ballpen para magfill up ng form. Last touch si Paul kasi siya ang huling pumirma. I was asking him kung naaalala pa ba niya kung nailagay niya uli sa envelope yun ballpen. Kaya lang di na niya maalala. Isip ako ng isip kung pano na. Then lumapit yun flight purser. Tinanong uli ako kung pano yun nangyari. Kinuwento ko. Tapos ang sabi niya, ipapadala na lang sa next flight kung makikita sa airport. Putek! Nawindang ako. Oo nga pala, nasa Pilipinas ako. Sorry to say pero malamang na may kumuha na nun or baka naitapon pa sa basurahan. Sana lang may nagmagandang loob na ibigay sa airport authorities. Then nagpaliwanag pa siya. Umalis after kong isulat yun description, ibibigay daw niya kay Capt kung pwede iradyo. After some time, bumalik siya. Hindi raw pwede. Magtetelex na lang daw ang SIN airport sa MNL. So after pa yun makalapag ng flight namin. Medyo nawalan ako ng pag-asa na makukuha pa yun kasi 12noon na kami dadating sa SIN. Marami ng pwedeng mangyari by that time. Tuliro lang ako the whole flight. Nag-iisip ng susunod na hakbang. Nun malapit na magland, pinapunta kami sa may harapan para daw mauna kami lumabas. For the first time, nakaupo kami sa business class.. Wehehe… Nun makaland na, inendorse kami ng Purser sa Crew na sumundo sa arrival. Kinuwento ko sa kanya. Magsend daw siya ng telex sa MNL, magclear daw muna kami sa Immig. After ng Immig, kinuha na namin ang bagahe. 12noon na nun. Umakyat kami sa office ng PAL at sinabi nga niya na nakapagtelex na siya. Nagdecide kami na kumain muna sa Burger King. Hindi ko pa rin alam ang gagawin. Gusto ko na tumawag sa agent ko pero wala na akong load. Bumalik kami sa PAL office around 2pm. Di pa raw nagrereply ang MNL. Dun ko nakilala si Sir Kelvin, siya ang station manager ng SIN. Ipinaliwanag ko sa kanya. Tumawag siya sa MNL office para ireport. Tapos nagsuggest siya na baka daw pwede ipa-fax ko na lang sa agent ko. Onga no! Pinagamit niya ako ng computer para makapag-email. Then after some time, sinabi niya sakin na tumawag na daw ang MNL at nakita na daw. Dadalhin sa next flight. Pinag-email niya uli ako sa agent ko para icancel na yun request ko. Tapos sabi niya mamasyal daw muna kami sa SIN. 3pm lang nun. Yun next flight ay dadating ng 630pm.

So dun nag-umpisa ang 'The Terminal' adventure namin. Imagine, mastock ka ba naman sa airport ng more than 7 hours dahil lang sa katangahan. Buti na lang may dala akong extra money. Pinapalit ko ang natitira kong USD20 at RM100 para may dagdag sa pera namin. Naglakad-lakad lang kami sa Airport. Pag napagod, mauupo. Nagpicture taking. Nagtrain pa kami sa Terminal 1 from Terminal 2. Ganun din ang ginawa namin. Lakad, upo, picture. Then nun magsawa, balik sa Terminal 2. Mga 430 ng maisipan uli namin kumain. Naghanap kami ng makakainan na may rice. Buti naman at meron. After nun nagdecide na lang kami na maupo na lang malapit sa office ng PAL. Lumipas ang oras. Nagland na yun next flight. Kaya lang nakalock yun office. Naghintay pa kami hanggang past 7pm. Nun makuha namin, nagtaxi kami agad papunta ng bus station. Ang next na byahe papunta ng KL ay 9pm pa. So tambay pa uli. Nun makasakay na kami ng bus, ubos na ang lakas ko. Bangenge na. To make the long story short, nakarating kami ng haus 3am na. Tapos kailangan ko pumasok that day.

Argh! Inaantok pa ako hanggang ngayon.

Posted by jona at 15:52:00 | permalink

Previous Comments

dumating at nakaalis ka na pala ng pilipinas ng nde namin nararamdaman. pero ok lang. ang mahalaga ay kasama mo na ang iyong anak. maghanap na kayo ng malaking bahay jan. may mga nalalabi pa akong tiket na kailangan ko gamitin. hehe

o sya. good luck!

Posted by thet at November 9, 2006, 8:52 am

hindi ko rin masyado naramdaman ang pinas thet.. hehe.. di bale pag-uwi ko next tym, magkita-kits tayo. madami pa akong tiket, dont wori. =p

dapat sa regional or intl mo gamitin ang tiket mo para sulit.Ü

Posted by jona at November 14, 2006, 5:40 pm

Add a comment