BADTRIP!!!
Friday, October 27, 2006This is one of the worst days of my life. Yun tipong THIS IS IT na tapos biglang PLAK. BADTRIP TALAGA!
Badtrip #1: Nakabakasyon this week ang mga kagrupo ko. Wala naman kaso.. until today. Nahanap ko na kung bakit di tumatakbo ng tama ang program nila. Putek! Halo-halong code. Ok na sana eh. Kaya lang biglang dumating ang TL ko at binigyan ako ng bagong trabaho na asap din. Magmultiprogramming daw ako. Alam kong binabayaran ako para dun. Pero un part ko sa project na yun ay matagal ng tapos (di ko fault na petiks lang sila sa pagwork kasi regular na sila). Nagbakasyon sila tapos ako ang nagdudusa. Plus the fact na duty coverage din ako, pag may problems sa system, ako din ang haharap. Sabagay, kaming 2 lang ng TL ko ang naiwan. Ano pa bang aasahan ko?
Badtrip #2: Kailangan kong pumunta ng Phil Embassy para kumuha ng OEC para sa pag-uwi ko. Nalaman ko lang kagabi na expired na pala yun dati kaya kailangan ng bago. Unang plano ko, maaga na lang ako aalis sa office. Pero dahil sa tambak na work, baka di ako payagan ng TL ko. So I wouldn't take the risk. Kaya ang solusyon… tumakas!!! Tutal ang lunch break ay 2 hours. Medyo malayo din. Taxi, lrt tapos taxi ulit. Nagmeet kami ng husband ko sa lrt na. Nun pumara kami ng taxi sa KLCC, aba! Ayaw magmetro. At sinisingil kami ng mahal. Syempre tinanong ko kung bakit eh malapit lang naman. Kasi holiday daw. Hello?!?! Nun wed pa tapos ang holiday! Pero dahil lahat sila ay ganun ang sinasabi, no choice. Nakipagbargain na lang ako sa mas mababang presyo. Pagkatapos namin sa embassy, wala kaming makuhang taxi pabalik. Naglakad kami. Naglakad. Naglakad pa. Hanggang sa makarating kami sa sakayan ng lrt. Putek! Sa gitna na mainit na araw yun.
Badtrip #3. Eto na yun ultimate badtrip. Wala ng mas babadtrip pa dito. Nabanggit ko last week na uuwi ako ng Pinas ngayon ayt? Well, all set. Ready to go. Nakaempake na. Nakabili na ako ng tiket. May pasalubong. Nakapagplantsa na ako ng isusuot ko. Inask ko yun friend ko sa Pinas na kukuha ng tiket para kay Pauline at kay Daddy. Ngayon pa lang daw nila aayusin. So akala ko ok na. Galing kami sa Badtrip#2, naglalakad papunta ng LRT ng mapansin ko na may missed call ako. At Globe number. Naisip ko agad yun friends ko na nag-aayos ng tiket. Naisip ko baka may problema. At… meron nga! Ayaw daw pumayag sa benefits kasi nakahold daw ang account ko. Meaning, di ko magagamit ang benefits ko unless marelease ang clearance-ko-na-kung-hindi-ko-pa-nifollowup-2-weeks-ago-eh-hindi-pa-ipafollow-up-sa-kung-saan-para-kumilos-na-ang-processing. Hello? It's been 3 months since my last day in PAL. 2 months since the effectivity of my resignation. What's taking it so long? May nagawa ba akong krimen? Oo, inaamin ko, marami akong leave.. marami akong nakuhang gamot sa medical.. marami akong trip pass na ginamit.. Pero diosmio! Benepisyo ko yun bilang employee.. i mean ex-employee ng PAL. To make the long story short, kahit nakiusap na yun friend kong si Sherwin sa akala niyang friend niya dahil binigyan siya ng discount card sa Gerry's at nakasama niyang magdinner after a basketball game, wala pa ring nangyari. Di raw talaga pwede dahil company policy. So cancelled ang lahat. Wa na. Ganun lang. Dahil sa hindi nila ginawa ang trabaho nila, dead na ang pangarap kong umuwi ng Pinas ngayon at mayakap na ang anak ko.
Call it a bad day. It really is. Kakatapos lang naming makachat ang anak namin. Mukhang ok pa rin naman siya. Kaya lang nagpaalam na daw sa mga classmates niya at nagprisinta na bibigyan sila ng chocolate. Hahaha! Lahat daw ng kakilala ay pinangakuan na bibigyan ng tsokolate. 4 years old lang yan ha! Miss ko na talaga ang baby ko.. =(
Well… Better luck next time my dear… Pero di pa kami tapos ng taga-benefits.. Ipaglalaban ko ang karapatan ko! Lalo na ngayon at isa na akong Bagong Bayani ng Pilipinas! Mabuhay ang mga OFW! Bwahaha! Gutom lang cguro to. Gtg.
Previous Comments
hakhak! syempre nalimutan ko ang birthday mo, and i ask you to forgive me, for trwo reasons, unang una hindi ako matandain sa birthday, ang tanging kabisado ko lang ay birthday ko at pangalawa, lintek na richelle iyan, hindi pinaalala sa akin, hahaha! isisi daw ba sa iba. enwei, relax tsong! when it rain it pours, but there’s a rainbow after the rain. hakhak!
hay kakalungkot, umalis na si thet, si toandz, si richelle, medyo malapit lapit na din, ayaw ko maiwan sa zoo na iyon… lolz! amf!
i want my freedom! ok! tapos na emo mode.
seriously, i hope and i pray na maayos na ang clearance mo, at makuha mo na si pauline, hay, kawawa naman yung inaanak ko, miss na nya padraks and mudraks nya, hehehe…
o sya, ingat na lang dyan, kamusta mo ko kay leopoldo… lolz!
nilink nga pala kita, kaya dapat ay ilink mo din ako! hohoho!
Posted by bleue at October 31, 2006, 1:13 am


Siyet! bad trip nga. hmmm…Yung clearance ko pala dapay asikasuhin ko din agad. kainis naman yung sa benefits. Cool ka lang dude! Chocolate ko ha? hehe
Posted by thet at October 29, 2006, 4:42 pm