Fate brings you together... but it's still up to you to make it happen..

Home » Archives » 19. October 2006

me @ 25…

Thursday, October 19, 2006

25 na ako. Totoo ba ito? Di ako makapaniwala. Dati pag 25, matanda na sa paningin ko. Totoo. Feeling ko sila yung mga marami ng naachieve sa buhay. Marami ng naipon, may sariling bahay, may kotse, may business, pwede ng mag-asawa. Kaya di ako makapaniwala na 25 na ako. I stopped counting at 20. Hahaha!

Ano na nga ba ang naachieve ko? Wala akong ipon. Walang bahay, kotse o business. Pero may asawa at anak. Kung titignan ko yun standards ko on being 25, parang wala akong naachieve. Pero hindi. Feeling ko I've done so much. Hindi lang pala material things ang mahalaga. I mean, oo, wala ako nung mga yun. Pero masaya pa din ako. Una, may anak ako na bibo. As in! Maya't maya kumakanta. Pag nakarinig ng dance music, hala! Walang pakialaman at sasayaw siya (sabi nga nila, ikaw na ang maging anak ni Jona.. imposibleng di ka mahilig sumayaw.Ü). Hindi nahihiyang makipag-usap sa mga tao. Marunong mang-asar. Maraming tanong. Yun nga lang, takot sa mascot. Hahaha! Pangalawa, mabait ang asawa ko. Yes, we have petty quarrels. But we're still together. We've already been married for 4 1/2 years now. We've had so many trials but hey, we still have each other. Then, hindi ako pinababayaan ng family ko. Masasabi ko na hindi talaga nila ako iniwan through tough times. Swerte ako at napakasupportive nila sa akin.

Ano pa ba ang nakakapagpasaya sa akin? Simpleng tao lang kasi ako sa totoo lang. Gusto ko laging masaya. I mean ayoko ng tahimik lang. Gusto ko daldal ako ng daldal! Pwera na lang kung inaantok talaga ako. Hahaha! Saka ok na ok sa akin pag masaya ang usapan, yung tipong tawa lang kayo ng tawa. Parang walang problema. Gusto ko ring kain ng kain. Tinanong nga ako minsan ng officemate ko dito sa IBM kung ilang beses ba ako kumakain sa isang araw. Kasi pagdating sa umaga, kumakain ako, then sa lunch, tapos sa hapon, kumakain pa din ako. Kaya eto, maliliit na ang mga damit ko. Di na ako pwede sa small. Hehe.. Marami pa akong gusto. Small things. Di ko na lang babanggitin kasi medyo madami.

Basta masasabi ko na masaya ako ngayong bday ko. God has really been good to me and my family. Ang daming blessings na binigay Niya samin. I really am thankful to Him. He knows how and when to give the things that you need at the right time, at His time.

Before I end, salamat nga pala sa mga friendships ko na nakaalala at bumati. God bless you all.Ü

Posted by jona at 13:47:00 | permalink | Add comment