Fate brings you together... but it's still up to you to make it happen..

Home » Archives » 03. October 2006

Welcome back…

Tuesday, October 3, 2006

It's been exactly two months since my last post. Quite some time. Makes me think that I've already been here in Kuala Lumpur for almost 2 months already. Wah! Antagal ko na din palang hindi kasama ang anak ko. Oo, para sa kinabukasan, panandalian kaming lumayo ng aking asawa sa piling ng aming pinakamamahal na anak (*nalungkot naman akong bigla*).

Anyway, eto ako ngayon. Nasa kalagitnaan ng unit testing, sa pagdedebug ng codes ko, sa paulit-ulit na pagcocompile at link. Pero bigla kong naisip ang isang natatanging kaibigan. Si BLEUE. Wala lang. Naisip ko lang. Hahaha! Naisip kong basahin ang blog niya. Putek! Isa nga siyang blogger. Aba't ilang page din ang binasa ko bago ko muling nabasa ang post na ginawa niya para sakin.

At dahil dun ay nalungkot ako. Hindi dahil sa namiss ko siya (hahaha!). Kasi ang dami kong kuwento pero napakatamad kong magpost! Sa loob ng halos 2 buwan na andito ako, marami akong naipon na kuwento. Napakarami talaga, as in! Karamihan sa kanila ay mga Anaps Adventures ko. Hahaha! (Ikukuwento ko yan isa-isa pag nasa UAT na tong project namin.) Nainggit ako kaya eto, sa gitna ng pagtetest ko, na-inspire akong magpost uli.

Ano nga bang topic nitong post ko? Wala. Gusto ko lang batiin ang sarili ko na makakapagpost ako uli. Hahaha! Walang kuwenta . Pangatlong post ko na to.. at aaminin ko.. pati ako ay hindi naa-amaze sa mga pinagsusulat ko. Yun tipong wala lang magawa. Wala lang masabi. Hahaha! (Pramis, next post ko, may mapapala na kayo.. =p)

Posted by jona at 15:51:00 | permalink | Add comment