Fate brings you together... but it's still up to you to make it happen..

Home

………….

Saturday, September 25, 2010

Intindihan at Antayan
by jenga
http://www.peyups.com

Natatandaan mo pa ba nung iniyakan mo pa yung kaibigan ko? Sabi ko sa ‘yo, you don’t always get what you want but you’ll definitely get what you deserve. Nakakainis, ipapayo ko yun sa sarili ko. For the nth time. Pero di ba sasaya din ako? Hindi pala. Sasaya din ako! Hindi nga lang siguro sa iyo, pero I’ll get what I deserve. Hindi naman ako masamang tao kaya siguro may magandang naghihintay para sa akin. Sana sigurado. At yun na lang ang iisipin ko ‘no?

Parang naiintindihan ko na.

O ito lang ang gusto kong isipin.

Ayaw mo kong masaktan. Ayaw mong makita akong malungkot. Pero ayaw mo rin sa ‘kin. O sige, correction… hindi mo kayang maging kung anong gusto kong maging ka sa buhay ko. Quote na lang kaya kita? Sorry, Jeng, hindi ko kayang maging ganoon sa’ yo.

Ikaw naman kasi. Bakit mo pa ba kailangang sabihing gusto mong isauli ‘yung sulat na binigay ko sa ‘yo noong umamin ako? Bakit mo pa sinabing nalulungkot ka tuwing babasahin mo yon? Bakit mo pa sinabing naaawa ka sa ‘kin?

Ako naman kasi. Bakit ko pa kailangang i-probe kung bakit ka naaawa sa kin? Bakit ba pa kita binigyan ng sulat na magpapalungkot sa ‘yo eh ayaw ko din namang nakikitang malungkot ka.  Bakit ko ba ‘to ginawa sa friendship natin? Bat ba kasi ang hirap-hirap na hindi umasa?

Ikaw kasi ulit eh. Nung sinabi ko sa ‘yo na nagkakaganito na ‘ko, na may symptoms na ko kaya lumayo ka na, ayaw mo namang lumayo. ‘Yan tuloy, yung ideya na kahit na alam mo na, nakikipag-close ka pa din sa ‘kin, led me on. Masama nga raw mag-expect pero ang hirap hindi eh. Paano ba gawin yung wag isiping baka may nararamdaman din sa ‘yo ang isang taong lapit pa rin nang lapit kahit alam na niya kung anong nangyayari sa ‘yo tuwing andyan siya?

O sige. Ako kasi ulit. Hindi pa ‘ko nasanay. Ilang beses ko ba kailangang dumaan sa ganito? I mean, alam mo yung mga nakaraan ko. Kaya nga ang sagot mo kung bakit ka naaawa sa ‘kin eh dahil pagkatapos nung mga yon, hindi mo inisip na ikaw din pala magagawa mo. Na paiyakin ako. Pero hindi mo gusto. Alam ko yon. Alam ko mahal mo ‘ko. Hindi nga lang sa paraang gusto ko.

Natatandaan mo pa ba nung iniyakan mo pa yung kaibigan ko? Sabi ko sa ‘yo, you don’t always get what you want but you’ll definitely get what you deserve. Nakakainis, ipapayo ko yun sa sarili ko. For the nth time. Pero di ba sasaya din ako? Hindi pala. Sasaya din ako! Hindi nga lang siguro sa iyo, pero I’ll get what I deserve. Hindi naman ako masamang tao kaya siguro may magandang naghihintay para sa akin. Sana sigurado. At yun na lang ang iisipin ko ‘no?

Tama. Ayaw mo kong masaktan. Ayaw mo kong malungkot. Pero hindi mo kayang maging kung anong gusto kong maging ka sa buhay ko. Alam mong nasasaktan ako ngayon pero alam mong mas mabuti ‘to kesa sumulong tayo sa lebel na hindi para sa ‘tin kung saan baka mas lalo pa tayong magkasakitan.

So parang naiintindihan ko na nga. Hindi mo kasalanan. Hindi ko kasalanan. Walang may kasalanan. Lesson ‘to. Experience. I’m just glad I’m going through this with you.

Okay lang naman siguro kung medyo weird ako for a while ‘no? Ayoko pa ring iwanan yung pagkakaibigan natin. It’s the best gift you’ve ever given me. And if only for that, I’d be honored to go back to being your old normal friend.

Sana pagbalik ko, andyan ka pa din.
Tapos isang araw, pag-uusapan natin ‘to, tatawa na lang tayo. Darating din ‘yung isang araw.

So dyan ka lang. Babalik din ako.

At gusto kong isipin: Naiintindihan mo din.



[If you enjoyed reading this and would like to forward it to friends, please include the byline when doing so.]

Posted by jona at 17:30:00 | permalink | Add comment

on the last day of the year

Wednesday, December 31, 2008

huling araw ng 2008. as i look back, marami akong dapat ipagpasalamat sa taong ito. kahit medyo magulo, marami rin akong natutunan. i dont want to enumerate anymore. basta naging masaya ako kahit magulo ang mundo ko. hahaha!

un lng. alang wenta. toink.

happy new year everyone! =)

Posted by jona at 15:23:00 | permalink | comments[2]

sori…

Friday, October 17, 2008

ndi ko sinasadya. never meant for it to happen. sori.

Posted by jona at 18:31:00 | permalink | comments[1]

3 years

Thursday, October 9, 2008

october na naman.

2005. magulo ang mundo ko. as in sobrang gulo. sobrang sakit. sobrang sama ng loob. pero inayos ko pa din. kahit na sobrang durog ang pakiramdam ko, ndi pwedeng sarili ko lang ang isipin ko. dahil kailangan kong gawin para sa anak ko. para sa ikatatahimik ng pamilya ko.

2006. nasa malaysia na ako. pero nung sumapit ang panahong ito, sobrang sakit pa din. naisip ko tuloy, un nga pala ang matinding dahilan kung bakit nasa ibang bansa ako. ndi ko pinangarap magtrabaho sa ibang bansa pero ginawa ko. kc gusto kong tumakas sa pinas. gusto kong mawala sa alaala ko.

2007. nasa malaysia pa din ako. pero nung taong ito, medyo ok na ako. although andun pa rin un sakit, i can say that im better. ndi ko pa lubusang nakalimutan at napatawad pero im starting to build a new life. ung malayo sa alaala ng pangyayaring un.

2008. andito pa rin ako. 3 taon na pala. and im proud to say na nakamove on na ako. ndi na ako nasasaktan. naisip ko na lahat naman ay dumaraan sa ganun. kasama un sa mga pagsubok ng buhay. ang mahalaga, buo pa rin ang pamilyang ipinaglaban ko. at masaya ako sa naging desisyon ko 3 years ago.

Posted by jona at 10:44:00 | permalink | comments[3]

stigmatized…

Monday, September 29, 2008

If I give up on you, I give up on me
If we fight what’s true, will we ever be
Even God himself and the faith I knew
Shouldn’t hold me back, shouldn’t keep me from you

Chorus:
Tease me, by holding out your hand
Then leave me, or take me as I am
And live our lives, stigmatized

I can feel the blood rushing though my veins
When I hear your voice, driving me insane
Hour after hour day after day
Every lonely night that I sit and pray

Chorus

We live our lives on different sides,
But we keep together you and I
Just live our lives, stigmatized

We’ll live our lives, We’ll take the punches everyday
We’ll live our lives I know we’re gonna find our way

I believe in you even if no one understands
I Believe in you, and I don’t really give a damn
Oh stigmatized yeah yeah yeah
We live our lives on different sides
But we keep together you and I
We live our lives on different sides

We’re gonna live our lives
Gotta live our lives
We’re gonna live our lives
We’re gonna live our lives, Gonna live our lives, Stigmatized

balang araw… ;-)

Posted by jona at 13:41:00 | permalink | comments[6]